• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS naipamahagi na ang mahigit P1-T sa mga miyembro at benipisaryo

AABOT  sa halos P1.1 trillion na ang naipamahagi ng Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro, pensioners at mga beneficiaries mula 2016 at 2021.

 

 

Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, na ang nasabing halaga ay halos doble sa naipamahagi nila mula 2010 hanggang 2015 na aabot sa P549.59 bilyon.

 

 

Itinuturong dahilan ni Regino kaya tumaas ang ansabing bilang ng mga naipamahagi na halaga ay dahil sa mga pagbabago na kanilang ipinatupad.

 

 

Ilan sa dito ay ‘yung pagbibigay ng dagdag na P1,000 na benepisyo sa mga pensioners mula 2017 ganun din ang pinalawig ng Maternity Leave ang pagpapalawig din ng SSS mandatory coverage sa mga Overseas Filipino Workers at maraming iba pa.

 

 

Pagtitiyak nito na mayroon pang ibang mga programa ang nakatakda nilang ipatupad sa mga susunod na araw. (Daris Jose)

Other News
  • Panawagan sa pagsasagawa ng legal na action laban sa mga Chinese Nationals isinumite sa OSG

    ISINUMITE ng House Quad Comm sa Office of the Solicitor General (OSG) nitong Lunes ang mga dokumentong hawak nito kasabay ng panawagan nang pagsasagawa ng legal action laban sa mga Chinese nationals na naakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship para iligal na makabili ng lupa at makapag-operate ng business sa Pilipinas.     Hinikayat […]

  • 8-anyos na batang lalaki tinangay ng agos, nahulog sa creek sa Caloocan

    ISANG batang lalaki ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig nang aksidenteng mahulog sa Pag-asa creek habang naliligo sa ulan kasama ang dalawang kaibigan, Lunes ng hapon sa Caloocan City.       Sa ulat ni P/Capt. Joniber Blasco, Acting Commander ng Police Sub-Station 13 kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, […]

  • Bilang ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel Busway, binawasan ng LTFRB

    BINAWASAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang mga bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel busway, kasunod na rin nang pagtatapos na ng libreng sakay program ng pamahalaan noong Disyembre 31, 2022.     Ayon sa LTFRB, ibinalik na nila sa orihinal na 550 units ang bilang ng mga public utility buses […]