• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS pensioners ‘di na kailangang magpakita para sa annual confirmation

HINDI  na kailangang magpakita pa sa alinmang sangay ng Social Security System (SSS) ang mga pensioners na nasa bansa para sa  Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).

 

 

Ang Acop ay requirement ng SSS para ma- update ang rekord ng mga pensionado para sa pagtanggap ng kanilang  pension kada taon.

 

 

Nilinaw naman ng SSS na kung ang pensioners ay nasa  abroad,  kailangan itong  magpakita sa SSS sa pamamagitan ng video conferencing o magsumite ng requirements sa pamamagitan ng email .

 

 

Ganito rin ang gagawin ng mga disability persioner at survivorship pensioner.

 

 

Itinakda naman ng SSS  ang deadline ng pagfile ng ACOP hanggang Marso 31 ngayong taon.

 

 

Na-extend naman ng SSS  hanggang sa buwan ng  Mayo ang loan condonation para sa mga miyembrong may na expired na   short-term  housing loan.

 

 

Ayon sa SSS, kailangang samantalahin na ng mga miyembro ang condonation para matanggal ang penalty ng utang.

Other News
  • P546 milyong budget ng PSC para sa major events sa 2023

    PONDONG  P546 milyon ang ipinanukala ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa partisipasyon ng mga national athletes sa siyam na malalaking international competitions sa 2023.     Kabilang rito ang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 2-16 at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8. […]

  • Task Force El Niño, paiigtingin at muling magpupulong para talakayin ang collective action

    TINALAKAY ng mga miyembro ng Task Force El Nino, araw ng Lunes ang updates ng interbensyon para sa mga pangunahing sektor at karagdagang aksyon na kakailanganin para paigtingin ang pagsisikap laban sa epekto ng phenomenon at tiyakin ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga lalawigan na kasalukuyang apektado ng El Nino.     Base […]

  • 30% ng mga residente sa NCR, nananatiling hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19 — Usec. Diño

    MAY 30% pa rin ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19     “Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.     “Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo […]