SSS, PhilHealth contribution tataas simula Enero 2023
- Published on December 10, 2022
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON ng pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro sa PhilHealth at Social Security System (SSS) simula Enero 2023.
Umaabot sa 1 percent ang taas sa kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit ng mga empleyado na P30,000. Ang taas ay aakuin ng mga employer alinsunod sa SSS Law.
Inihalimbawa ng SSS na kung ang sahod ng isang miyembro ay P35,000 kada buwan, aabutin sa P4,200 ang magiging kontribusyon nito simula Enero 2023 mula sa kasalukuyang P3,375.
“Yung increase po ng contribution na 1 percent will be borne by our employers, hindi po sa empleyado hetong 2023 ‘yung increase na 1 percent,” paglilinaw ni SSS President at CEO Michael Regino.
Binigyang diin ni Regino na pabor ito para sa mga miyembro dahil may forced savings na ang kontribusyon pagdating ng retirement nito.
Samantala, .5 percent naman ang magiging dagdag sa kontribusyon sa PhilHealth mula sa kasalukuyang 4 percent o magiging 4.5 percent simula sa Enero.
Inihalimbawa dito na kung ang sahod ng manggagawa ay P10,000, tataas ng P450 ang hulog nito mula P400 samantalang kung mas mataas sa P10,000 hanggang mababa sa P80,000 ang sahod ng manggagawa, aabutin sa P50 hanggang P850 ang magiging dagdag-kontribusyon ng PhilHealth members.
“Kung P90,000 and above, isa lang ang babayaran nyan P4,050 a month so kung employed ka hati kayo ng employer nyo, 50-percent, 50 percent,” sabi ni PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo.
Niliwanag ni Domingo na ang taas kontribusyon sa PhilHealth ay upang mapahusay ang benepisyong natatanggap ng mga miyembro.
Nais naman ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund na kunin muna ang panig ng mga employers at manggagawa bago maipatupad ang tungkol sa plano nilang dagdag na P100 sa kasalukuyang P100 kontribusyon. (Daris Jose)
-
Netizens, hindi na nagtaka at inaasahan na: DIEGO at FRANKI, bigla na lang nag-unfollow sa kani-kanilang Instagram account
NAPANSIN agad ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa ang rumored couple na sina Diego Loyzaga at Franki Russel sa Instagram. Maaalala na ilang linggo pa lang nang aminin ng Viva actor na nagde-date nga sila ng ex-PBB housemate, pero tila matutuldukan agad ang kanilang namumuong relasyon. SA IG Stories naman […]
-
“Caregivers Welfare Act” pasado na
Pasado na sa pinal na pagbasa ang mga panukala na nagsusulong ng kapakanan ng mga caregiver at pagpapalawig sa proteksyon ng mga kababaihan laban sa diskriminasyon. Layon ng House Bill 135 o ang “Caregivers Welfare Act” na gawing polisiya ang proteksyon sa mga caregivers, sa kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin. Batay sa […]
-
Misa para sa mga biktima ng extrajudicial killings
NAGSAGAWA ng misa para sa mga biktima ng extrajudicial killings noong nakalipas na Duterte administration ang isinagawa sa Kamara (Oct. 11) ng umaga bago sinimulan ang ika-walong pagdinig ng Quad Committee Hearing on human Rights Violations. Dumalo sa misa ang pamilya ng mga biktima, Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel at Rise Up for Life […]