• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

St. Benilde ‘di bibitaw sa liderato

ANG PANANATILI sa itaas ng team standings ang hangad ng College of St. Benilde sa pagharap sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

 

 

Lalabanan ng Blazers ang Stags ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang banggaan ng Letran Knights at nagdedepensang San Beda Red Lions sa alas-2:30 ng hapon.

 

 

Hawak ng St. Benilde ang solong liderato bitbit ang 5-1 record kasunod ang Letran (5-2), Mapua (5-2), Perpetual (4-3), San Beda (3-3), Lyceum (3-4), Emilio Aguinaldo College (3-4), Jose Rizal (2-5), San Sebastian (2-5), Arellano (2-5).

 

Kaagad nakabangon ang Blazers mula sa unang kabiguan matapos talunin ang Pirates, 103-78, na tumapos sa three-game winning streak ng Lyceum.

 

Bagsak naman ang Stags sa pang-limang sunod na kamalasan mula sa 72-91 pagyukod sa Cardinals sa huli nilang laro.

 

Muling aasahan ng St. Benilde sina Allen Liwag, Justine Sanchez, John Mowell Morales, Winston Ynot at Mark Sangco katapat sina Paeng Arce, TJ Felebrico, Nico Aguilar at Harold Ricio ng Baste.
Sa ikalawang laro, puntirya ng Knights ang ikatlong dikit na ratsada sa pagsagupa sa Red Lions.

 

 

Umiskor ang Letran ng 82-73 triple overtime win sa Perpetual, habang nagmula ang San Beda sa 70-72 kabiguan sa Arellano.

Other News
  • Top 2 at 6 most wanted person sa kasong rape sa Malabon, nalambat

    NATIMBOG ng pinagsanib na puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Station Intelligence Section (SIS) at Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (RMFB-NCRPO) ang Top 2 at 6 Most Wanted Person ng Malabon city sa magkahiwalay na operation sa naturang lungsod.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, […]

  • DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD

    TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.     Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus.     “Hindi [s]iya classified as […]

  • Nasayang na bakuna umakyat na sa P22 bilyon

    UMAKYAT na sa P22 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang nasayang sa Pilipinas makaraang mag-expire, masira o iba pang kadahilanan, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.     Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang P22 bilyon ay katumbas ng 44 milyong bakuna na nasira. Ito ay kung nagkakahalaga ang isang dosage […]