• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Stamina, head movements at footwork mahigpit na tinututukan ng Team Pacquiao

Tinututukan sa ngayon ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao na mas maging malakas pa ang stamina ng pinoy ring icon bilang preparasyon sa nakatakdang laban kay Errol Spence.

 

 

Ayon kay Pacquiao na dapat ma-develop rin ang kanyang head movements at footwork.

 

 

Dagdag pa nito na focus siya ngayon sa training dahil isang magaling rin na boksingero si Spence.

 

 

Napag-alaman na si Coach Buboy Fernandez ang kasama ni Pacquiao na nag-eensayo sa GenSan.

 

 

Una nito inihayag ni Fernandez na hindi dapat i-under-estimate si Spence dahil naghahanda rin sa laban.

 

 

Target ng Team Pacquiao na matamaan ng malakas na kamao si Spence sa unang mga rounds ng laban para maramdaman nito na kahit may edad na ang senador hindi basta basta pa rin na boksingero.

Other News
  • PDu30, oks na ipalabas ang P1.185 bilyong piso para sa special risk pay ng mga health workers

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas sa P1.185 bilyong piso mula sa contingent fund ng gobyerno noong nakaraang taon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health workers na hindi pa nakatatanggap nito.     Sinabi ni Senador Bong Go na ang P1.185 bilyong piso ay huhugutin mula sa 2021 Contingent Fund […]

  • PULIS NA BUMARIL SA MAG-INANG GREGORIO SA TARLAC, MABUBULOK SA KULUNGAN

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police (PNP) na siguraduhing nakakulong si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca at hindi makalalabas dahil ang nagawa nito ay ‘serious offense’, mabubulok ito sa kulungan. Binaril ni Nuezca  nang tig- dalawang beses ang mag-inang Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa […]

  • Indian tennis star Sania Mirza inanunsiyo ang pagreretiro

    INANUNSIYO ni dating Wimbledon doubles champion Sania Mirza na ito ay magreretiro na.     Ayon sa kilalang tennis star ng India na tatapusina lamang niya ang mga torneo ngayong 2022 at tuluyan ng magreretiro.     Isinagawa nito ang anunsyo matapos ang pagkatalo sa unang round ng Australian Open.     Dagdag pa ng […]