• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Standing ng Pilipinas ukol sa estado ng pagtugon nito sa COVID-19, patuloy na gumaganda ayon sa WHO

IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya.

 

Base sa ipinresentang datos ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ika- 32 na ang Pilipinas mula sa pagiging ika- labing walong puwesto sa pinakamaraming naitalang kaso ng corona virus, worldwide.

 

Tinatayang, nasa 42 naman ang ranking ng bansa sa dami ng active cases habang sa kaso ng COVID per one million population ay nasa ika- 131 ang Pilipinas.

 

“Sa total number of cases po, tayo po ay 32 sa mundo – nanggaling po tayo sa 18 noong Oktubre. Sa active cases naman po, tayo po ay number 42 sa buong mundo; ang active cases po natin ay 33,603. Sa COVID-19 cases per one million population, tayo po ay nasa 131 dahil ang kaso po natin per one million population ay 4,653 – 131 po tayo. At pagdating po sa case fatality rate o iyong mga namamatay, tayo po ay nasa number 77 – 1.99 po ang ating case fatality rate,” ayon kay Sec. Roque.

 

Pagdating naman sa case fatality rate ayon kay Roque ay nasa ika- 77 aniya ang Pilipinas matapos makapagtala ng nasa 1.99 na case fatality rate.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na patuloy na gagawin ng pamahalaan ang buong makakaya nito para mapababa pa ang kaso ng corona virus.

 

“Well, iyong sa mga dating bumabatikos sa atin, bakit wala po tayong naririnig ngayong nag-improve na po ang ating ranking worldwide. Patuloy po tayong gagawin ang pinakakaya nating gawin para mapababa ang mga kaso ng COVID-19 at maski mayroon pong mga bagong COVID-19 variant, sumunod lang po tayo sa pakiusap ng Presidente – MASK, HUGAS at IWAS. Iyan pa rin po ang ating panlaban sa COVID-19 kasama na rin po ang tamang pagkain, ehersisyo at sapat na tulog,” pagtiyak ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • P1.4 B MRT 4 tuloy na

    Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4).       Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. […]

  • Assessment ng US-based company Bloomberg, pinalagan ng Malakanyang

    ITINANGGI at pinalagan ng Malakanyang ang naging assessment ng US-based company Bloomberg kung saan nakapuwesto ang Pilipinas malapit na sa ilalim o kulelat pagdating sa COVID resilience ranking.   Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na nahawakan ng pamahalaan ang viral outbreak.   Sa ulat, ipinuwesto ng Bloomberg ang Pilipinas sa 46th mula sa […]

  • May rekomendasyon ang anak para ‘di na maulit: Pamilya ni EVA DARREN, tinanggap na ang apology ng FAMAS after ng ’snubbing’ incident

    TINANGGAP na ng pamilya ng veteran actress na si Eva Darren ang apology na pinadala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences’ (FAMAS).         Nag-viral nga ang sinasabing hindi raw sinasadyang pang-i-snub sa awarding ceremony nitong Linggo na ginanap sa The Manila Hotel, na kung saan pinalitan ng baguhang singer si […]