Star player ng Cavs, inaresto
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Isiniwalat ng Cleveland Cavaliers na nakausap na nila ang kanilang star guard na si Kevin Porter Jr. matapos maaresto dahil sa illegal possession of firearms.
Base sa record ng Mahoning County, nasakote si Porter, 2019 first-round draft pick, dahil sa pagdadala ng armas sa loob ng sasakyan. Agad din itong nakalaya matapos maglagak ng $4,000 na piyansa.
Sa statement, sinabi ng Cavaliers: “We are aware of the situation involving Kevin Porter Jr. and are in the process of gathering information. We have spoken with Kevin and will continue to address this privately with him as the related process evolves.”
Sa email na pinadala ng abogado ni Porter, sinabi nitong maliit na kaso lang umano ang kinasangkutan ng kanyang kliyente at agad ding pinalaya.
Isa ang 20-year-old na si Porter sa mga manlalarong inaasahang magiging future ng Cavs. May averaged itong 10 points, 3.2 rebounds at 2.2 assists sa 50 games.
Pinili ng Cleveland si Porter gamit ang hawak na No. 30 overall pick.
-
Ads October 16, 2020
-
Infected ng COVID sa buong mundo, 18.6-M na – reports
Umaabot na sa 18,691,686 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo. Sa nasabing bilang, 6,013,637 (99%) ang nasa mild condition at 65,437 (1%) naman ang nasa serious o critical condition. Habang ang mga binawian ng buhay ay umakyat na sa 703,374. Samantalang ang mga gumaling ay 11,909,238, matapos ang […]
-
Warner Enjoys Box-Office Dominance with Back-to-Back Hits ‘The Batman,’ ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’
“The Batman” shattered records in March. Then, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” scored a magical $193.4-M over the weekend, worldwide. And just like that, Warner Bros. Pictures is enjoying its best box-office season in years, with no signs of slowing down. While receipts for the latest “Fantastic Beasts” movie are still coming […]