• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Star player ng Cavs, inaresto

Isiniwalat ng Cleveland Cavaliers na nakausap na nila ang kanilang star guard na si Kevin Porter Jr. matapos maaresto dahil sa illegal possession of firearms.

Base sa record ng Mahoning County, nasakote si Porter, 2019 first-round draft pick, dahil sa pagdadala ng armas sa loob ng sasakyan. Agad din itong nakalaya matapos maglagak ng $4,000 na piyansa.

Sa statement, sinabi ng Cavaliers: “We are aware of the situation involving Kevin Porter Jr. and are in the process of gathering information. We have spoken with Kevin and will continue to address this privately with him as the related process evolves.”

Sa email na pinadala ng abogado ni Porter, sinabi nitong maliit na kaso lang umano ang kinasangkutan ng kanyang kliyente at agad ding pinalaya.

Isa ang 20-year-old na si Porter sa mga manlalarong inaasahang magiging future ng Cavs. May averaged itong 10 points, 3.2 rebounds at 2.2 assists sa 50 games.

Pinili ng Cleveland si Porter gamit ang hawak na No. 30 overall pick.

Other News
  • 84% ng eligible population sa NCR, fully vaccinated na sa susunod na buwan

    TINATAYANG 84% ng eligible population sa National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging fully vaccinated laban sa Covid-19 sa buwan ng Nobyembre.   Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 75.57% ng eligible population sa NCR ang fully vaccinated at inaasahan na aabot ng 84% sa susunod na buwan. […]

  • Mga Senador nais suspendihin ang implementasyon ng RFID system

    Naghain ng isang resolution ang mga senador upang hikahatin ang Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang pagpapatupad ng radio frequency identification (RFID) cashless payment scheme sa mga expressways.   Si Senator Grace Poe na siyang principal author ng nasabing Senate resolution 596 ang nagsabing mula sa 12 million na registered na mga sasakyan, 3 […]

  • 2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu

    DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 […]