• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State funeral para kay Queen Elizabeth II, gaganapin sa September 19

NAKATAKDANG  isagawa ang state funeral para kay yumaong Queen Elizabeth II sa Setyembre 19 na gaganapin naman sa Westminster Abbey sa London, pasado alas-11:00 umaga, oras sa United Kingdom.

 

 

Batay ito sa naging anunsyo ng Buckingham Palace kasabay ng pagkumpirma na dadalhin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang mga labi ng namayapang reyna para sa isang committal service.

 

 

Ngunit bago iyan ay ibabiyahe muna ang kanyang mga labi mula sa remote estate patungo sa Palace of Holyroodhouse sa Edinburgh at mula doon at dadalhin naman ito sa St. Giles’ Catheral kung saan ito mananatili hanggang sa Martes, September 13.

 

 

Habang pagsapit naman ng Miyerkules ay ililipat ito patungong Buckingham Palace sa London, bago ang lying-in-state sa Westminster Hall.

 

 

Sa kasaluyan ay nakalagak sa ballroom ng Balmoral Castle sa northeast Scotland ang mga labi ng yumaong reyna.

 

 

Ang kanyang kabaong naman ay nababalot Royal Standard para sa Scotland, at napapalamutian ng wreath of flowers sa ibabaw.

Other News
  • Jinggoy, ex-PDEA agent, nagkasagutan sa Senado

    NAGKAKASAGUTAN sina Sen. Jinggoy Estrada at dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa sinasabing nag-leaked na dokumento na nagsasangkot sa ilang personalidad sa ilegal na droga.     Ipinanood sa pagdinig ang isang CCTV ­footage na isinumite ni Morales kung […]

  • Ads June 22, 2024

  • Jay Sonza, arestado sa illegal recruitment

    DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment.     Isinuko ng BI sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sonza saka inilipat sa Bureau of Jail Management and Penology, ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte. […]