• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State of calamity, idineklara ni Abalos sa apat pang lalawigan dahil kay Carina, Habagat

SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na idineklara ang State of Calamity sa apat pang lalawigan kasunod ng pananalasa ng southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Carina.

 

 

 

 

Sa isinagawang ‘situation briefing on Carina’ kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Abalos na maliban sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR), idineklara na rin ang State of Calamity sa Bataan, Bulacan, Batangas at Cavite.
Idineklara rin ang State of Calamity sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Nauna rito, sinabi ni Abalos na ang Kabacan, Cotabato; Pikit, Cotabato; Butuan, Davao de Occidental, at ilan pa ay isinailalim din sa state of calamity.
Iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Huwebes ng umaga, Hulyo 25 na tumaas sa 14 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng epekto ng southwest monsoon o Habagat at Tropical Cyclones Carina at Butchoy.
Base sa NDRRMC’s, 8 katao ang kumpirmadong namatay sa Zamboanga at bawat isa sa Northern Mindanao, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Kalakhang Maynila.
Sa ngayon ay bina- validate pa ng NDRRMC ang ulat na may limang katao ang nasawi sa Calabarzon at isa sa Bangsamoro.
“Habagat, Carina, and Butchoy affected a total of 1,115,272 people or 245,298 families in all regions in the country except in Eastern Visayas,” ayon sa kahalintulad na NDRRMC report.
Sa mga apektadong populasyon, 51,726 katao o 12,199 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 578,158 indibiduwal o 116,878 pamilya ang nanuluyan naman sa ibang shelter sa ibang lugar.
May kabuuang 292 bahay ang nasira kung saan 216 partially at 76 totally damaged dahil sa masamang panahon.
Umabot naman sa halagang P9,706,852 ang nasira sa agrikultura at P6,560,000 naman ang napinsala sa irrigation facility. Para sa imprastraktura, ang napaulat na nasira ay P793,551.
Sinabi rin ng power distributor Manila Electric Company (Meralco) na 400,000 customers ang hanggang sa ngayon ay walang suplay ng kuryente sa mga kugar na apektado ng y Super Typhoon Carina at malakas na Habagat.
Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga sa isang panayam na ang elektrisidad ng 324,000 customer ay “deliberately disconnected due to severe flooding” sa mga sumusunod na lugar: Bulacan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina,Pasay, Quezon City, Rizal
Samantala, ang bilang ng mga customers na nakararanas ngayon ng walang suplay ng kuryente dahil sa iba’t ibang isyu gaya ng ‘tripped power lines o foreign objects obstructing transmission’ ay 68,000.
Sinabi ni Zaldarriaga na ibabalik ng Meralco ang suplay ng kuryent sa mga apektadong lugar “once it is safe.”
Samantala, iniuulat naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local government units na marami pa ring lugar sa NCR ang hanggang sa ngayon ay lubog pa rin sa tubig-baha.
Mula Huwebes, Hulyo 25 hanggang araw ng Sabado, Hulyo 27, maaaring makapagdala pa rin si Habagat ng malakas na pagbagsak ng ulan sa iba’t ibang lokalidad sa western portion ng Luzon.
(Daris Jose)
Other News
  • PBBM tinintahan ang 2 batas

      GANAP nang batas ang Ligtas Pinoy Centers Act at Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act.     Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang bagong batas sa isang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang.       Layunin ng bagong batas na maipakita ang dedikasyon ng administrasyon […]

  • Na-diagnose ng ADHD, dyslexia, PTSD at bipolar: KELVIN, naabuso noong bata pa at hindi makalimutan

    PASABOG ang rebelasyon ni Kelvin Miranda sa guesting niya sa ‘Toni Talks’ ni Toni Gonzaga!         Dito ay inihayag ni Kelvin ang tungkol sa mental health niya.         Sinabi ni Kelvin na hindi niya dati inambisyon na maging artista pero sa murang edad ay pinasok niya ang showbiz dahil […]

  • OH, WHAT A DAY… WHAT A LOVELY DAY! TRAILER FOR “FURIOSA: A MAD MAX SAGA,” STARRING ANYA TAYLOR-JOY AND CHRIS HEMSWORTH, DEBUTS

    THIS is her Odyssey. “Furiosa: A Mad Max Saga,” starring Anya Taylor-Joy in the title role, opens only in cinemas 2024. The much-anticipated return to award-winning director George Miller’s iconic dystopian world also stars Chris Hemsworth, Alyla Browne and Tom Burke. Watch the trailer below:        YouTube: https://youtu.be/_oYrCGKX1C4?si=SB3oUFl1Fg6ReiOW About “Furiosa: A Mad Max Saga” […]