• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘State visit, nagbunga ng $14.36 billion investment pledges’ – Pangulong Marcos

INIULAT ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakalikom sila ng $14.36 billion investment pledges sa kanyang state visit sa Indonesia at Singapore.

 

 

Katumbas ito ng halos P800,000,000,000, batay sa kasalukuyang palitan ng piso at dolyar.

 

 

Kabilang sa mga deal na ito ang nasa sector ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing at agriculture.

 

 

Gayunman, maaari pa itong magbago alinsunod sa implimentasyon ng naturang mga kasunduan.

 

 

“We look forward to doing the detailed work that is necessary to bring all of these proposals to fruition and that is what we are all now going to bend ourselves to this work. We will not stop until we can come back and say that these MOUs and letters of intent would bear results,” wika ng pangulo.

 

 

Sa simpleng kataga, maisasalarawan umano ng presidente ang kanyang biyahe bilang “fruitful and engaging.”

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang naging mainit na pagtanggap sa kaniya nina Indonesian President Jokowi Widodo, Singaporean President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong para sa kanyang inaugural state visit. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Pogi’, 1 pa nadakma sa Malabon drug bust

    KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P80K halaga ng shabu nang matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na sina alyas Jelan, 22 at alyas Pogi, 47, kapwa residente ng […]

  • 4 nasakote sa buy bust sa Valenzuela at Caloocan

    Timbog ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities, kahapon ng madaling araw.     Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna […]

  • Navotas nagbigay ng cash incentives sa public school grads

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives sa mga nagtapos ngayon taon sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary.     Nasa 5,008 Grade 6 at 2,276 Grade 12 ang kumpletong nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants noong June 26-27, 2024.     Ang […]