State visit ni PBBM, wala pang iskedyul- Malakanyang
- Published on July 6, 2022
- by @peoplesbalita
HANGGANG ngayon ay wala pang ipinalalabas na iskedyul ang Office of President (OP) hinggil sa state visit ngayong taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang katuwiran Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz, prayoridad ni Pangulong Marcos ang isapinal ang listahan ng mga miyembro ng kanyang gabinete.
“The President has not announced any state visits. As of now, he is busy building up the Cabinet. So, we will have to wait for an announcement if there is indeed such a thing,”ayon kay Sec. Angeles.
At sa tanong kung tinanggap ni Pangulong Marcos ang imbitasyon sa kanya ni United States President Joe Biden na bumisita sa Washington, sinabi ni Sec. Angeles “Let’s wait for Malacañang to formally acknowledge it and then we will probably make the announcement with regard to whether or not it’s going to happen.”
Sa ulat, kinumpirma ni Philippine Ambassador to United States Babe Romualdez na inimbitahan ni US President Biden si Pangulong Marcos na bumisita sa Amerika.
Ito ay kahit na mayroong standing contempt order si marcos na makatuntong sa United States dahil sa ilang mga kaso.
Sa isang panayam, sinabi ng envoy na nang bumsita ang delegasyon ng Amerika sa inagurasyon ni Marcos kamakalawa, ipinaabot umano ni US 2nd Gentleman Douglas Emhoff ang isang liham mula kay Biden.
Nilalaman nito ang pagbati sa bagong pangulo ng Pilipinas, at ang personal na imbitasyon nito.
Inimbitahan si Marcos ni Biden na makausap sa isang phone call, at kung magtutugma na ang schedule nila ay inanyayaan itong pumunta sa Washington.
Muli namang nilinaw ni Romualdez na mayroong diplomatic immunity si Marcos.
Dahil dito, papayagan umanong makatuntong ng Amerika si Marcos at ang pamilya nito. (Daris Jose)
-
Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto
Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro. Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South […]
-
Alamin sa mga organizers ng Maginhawa community pantry kung saan napunta ang kanilang dinonate na pera
KAILANGANG alamin ng mga taong nagbibigay ng pera bilang donasyon sa mga organizers ng Manginhawa community pantry kung saan napupunta ang kanilang donasyon lalo pa’t may ulat na may mga organizers ang di umano’y nau-ugnay sa communist rebel group. Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy na labis na nakababahala ang fundraising account […]
-
Lalaki todas sa aksidente sa trabaho sa Navotas
IPINAG-UTOS ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng isang 34-anyos na lalaki dahil umano sa isang labor accident makaraang maiulat sa pulisya mahigit 24-oras matapos ang insidente. Nabigong maproseso ng rumespondeng homicide investigators at mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar kung […]