• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Steph Curry at Warriors tinambakan ang Nuggets

Pinayagan na rin ang mga fans na makapanood sa unang pagkakataon sa NBA game sa San Francisco, kasabay din upang saksihan nila kung paano tinambakan ng kanilang team na Golden State Warriors ang bumibisitang Denver Nuggets.

 

 

Bago nagsimula ang game, nagbigay ng welcome address si Stephen Curry at hindi naman siya binigo upang ipagsigawan ang kanyang pangalan at sinabayan ng “M-V-P,” “M-V-P!” chant.

 

 

Muli na namang nagpakitang gilas si Curry na tumipon ng 32 points para tulungang ilampaso ng Warriors ang Nuggets, 118-97.

 

 

Sumuporta rin si Draymond Green na nagtala ng 19 assists at 12 rebounds.

 

 

Sa ngayon meron ng 30-30 kartada ang Warriors, habang hawak naman ng Nuggets ang 38-21 record.

 

 

Agaw atensiyon din sa mga fans ang matchup ng dalawang MVP candidates na sina Curry at Nikola Jokic na hindi rin nagpahuli sa 19 points.

Other News
  • DepEd, target na taasan ang enrollment ng mga mag-aaral na may kapansanan

    TARGET ng Department of Education (DepEd) na taasan ang bilang ng enrollment sa hanay ng mga mag-aaral na may kapansanan.     Ito ang inihayag ng DepEd sa isang online webinar kasama ang National Council of Disability Affairs, araw ng Lunes.     Ito’y alinsunod na rin sa pagdiriwang ng 18th Women with Disability Day, […]

  • Naging best friend and confidante na maaasahan: KRIS, tinapos na agad ang pakikipagrelasyon kay VG MARK

    SA Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, isiniwalat niya sa mahabang post na “hiwalay” na raw sila ng kanyang boyfriend, bestfriend, at confidante na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.       Kasama ang isang larawan nila ni VG Mark, sinimulan niya ito ng, “This is a long overdue Gratitude post. […]

  • Valenzuela namamahagi nang learning packets at modules sa mga mag-aaral

    PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng mga libreng backpacks o school kits na naglalaman ng mga notebook at kagamitan sa paaralan sa lahat ng mga mag-aaral sa kindergarten at elementarya sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lungsod na nagsimula noong Agosto 25, 2020.   Kasama ang DepEd-Valenzuela, ang naka-iskedyul na pamamahagi […]