Stevedore binaril sa ulo ng 2 lalaki, patay
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
DEDBOL ang isang 22-anyos na stevedore matapos barilin ng dalawang lalaki nangingikil at nambabanta sa mga trabahador sa Market 1 nang tumanggi umanong magbigay ng isda ang biktima sa mga suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC), Navotas city.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, dead- on-the-spot si Roel Batiancila ng BGA Compound, NFPC, Brgy. NBBN sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.
Batay sa imbestigasyon, habang naghahakot ang biktima ng mga batya na puno ng isda sa loob ng St. Joseph Consignacion, Market 1 dakong 1:30 ng madaling araw nang lumapit ang mga suspek na si Justin Morales, 20, at Jayson Caspi, 19, saka humingi ng mga isda sa kanya.
Nang tumanggi umano ang biktima, isa sa mga suspek ang naglabas ng baril at binaril si Batiancila sa ulo na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.
Sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Northern Maritime Police Station sa pangunguna ni P/Lt. Erwin Garcia sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Rommel Sobrido ay natunton ang mga suspek sa loob ng Market 3 subalit, bago tuluyang naaresto ay nagtangka pa ang dalawa na makipagbarilan sa mga pulis.
Ani PSMS Bong Garo II, narekober sa mga suspek ang isang caliber .38 revolver na karagado ng tatlong bala at tatlong basyo ng bala sa cylinder. (Richard Mesa)
-
2 lalaki na nasita sa damit, huli sa P52K shabu sa Caloocan
SA loob ng kulungan humantong ang paggala ng dalawang lalaki nang mabisto ang dala nilang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na damit sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]
-
SRP sa bigas planong ipatupad ng DA
PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail prices (SRPs) sa bigas upang matiyak na may bigas na makakain ang lahat ng sambayanang Pilipino sa abot kayang presyo ng produkto. Gayunman, sinabi ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na upang maipatupad ang hakbang ay kailangan muna nilang […]
-
PSC: 300 para-athletes lumahok sa webinar
Lumahok ang mahigit 300 national para-athletes at coaches sa katatapos na week-long webinar na pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) kaugnay sa pagdiriwang ng National Council on Disability Affairs’ 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week. Nakipag-tululungan ang PSC sports rehabilitation unit sa Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa online seminars ng mga differently-abled. […]