• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Structurally complete” na ang northbound section ng Skyway Extension

Ang northbound section ng Skyway Extension ay “structurally complete” na at ang kulang na lamang ay ang paglalagay ng aspalto na gagawin sa katapusan ng buwan.

 

 

Ito ang sinabi ni SMC president Ramon Ang sa isang pahayag na inilabas ng San Miguel Corp.

 

 

“I’m happy to announce that soon, we can open the northbound section of the Skyway Extension for our motorists coming from the south,” wika ni Ang.

 

 

Mayron halos apat the kilometro at tatlong lane expansion ang Skyway Extension na may karagdagang kapasidad na 4,500 na sasakyan kada oras ang makadadaan. Inaasahan na makakabawas ito ng pagsisikip ng trapiko sa lugar. Makakatulong din ito sa mga motorista na dumaan sa Alabang viaduct.

 

 

Ang mga motoristang mangangaling sa South Luzon Expressway (SLEX) o di kaya ay Muntinlupa-Cavite expressway ay maaaring gumamit ng ramp sa Susana Heights at derechong pumunta na sa Makati, Manila, Skyway 3, hanggang sa Quezon City at North Luzon Expressway.

 

 

Habang ang northbound section naman na may 3.99 kilometers na haba mula sa Susan Heights papuntang Sucat ay inaasahan din na makakatulong ng malaki upang mabawasan ang congestion sa rotunda ng SLEX at Skyway sa pamamagitan ng derechong paglilihis ng trapiko sa itaas ng Skyway.

 

 

Nauna na sanang tapos ang proyekto noong December pa subalit dahil sa mga pagkaantala at limitasyon sa pagtatayo dahil sa epekto ng quarantine na pinatupad simula noong March 2020.

 

 

Samantala, sinabi rin ng SMC na ang southbound section project na may habang 3.8 na kilometro ay may 52 percent ng kumpleto at inaasahang matatapos sa darating na July.

 

 

Ang Skyway 3 ay makakabawas ng travel time sa pagitan ng Makati at Northern Manila kung saan ito ay magiging 20 minuto na lamang at ang Alabang papuntang NLEX ay magaging 30 minuto naman.

 

 

Inaasahang magiging alternatibong ruta ang Skyway 3 para sa EDSA para sa mga motorista na nagbibiyahe sa pagitan ng mga lungsod sa Metro Manila na makakatulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila. (LASACMAR)

Other News
  • Pinsala, pagkalugi sa agri dahil kay Paeng, pumalo na sa P2.74 bilyong piso

    UMABOT na sa P2.74 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).  Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na P2.74 bilyong piso “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre […]

  • Abu Dhabi Crown Prince kay PDu30: UAE gov’t will take care of OFWs

    NANGAKO si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan na iingatan ng kanyang gobyerno ang mga Filipino national na naninirahan at nagta-trabaho sa United Arab Emirates (UAE).     Ang pahayag na ito ng Crown Prince ay naipabot kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng phone call.     Ni-renew kasi […]

  • Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores

    Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores.   Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding […]