• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Submarine cable, solusyon sa problema sa kuryente sa Mindoro

ANG KONEKSYON ng Mindoro provinces sa grid sa pamamagitan ng submarine cable ang nakikitang “long-term solution” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang electricity supply concerns.

 

 

Pinag-usapan kasi ni Pangulong Marcos sa San Jose, Occidental Mindoro ang “fastest at best solution” sa problema sa suplay ng kuryente sa Mindoro island provinces.

 

 

Sinabi ng Pangulo na ang paggamit ng solar energy ang “fastest solution” sa usapin sa kuryente sa isla, maaaring mapunan ng ibang power sources gaya ng “wind, hydro, at geothermal.”

 

 

“Pero ang sa Mindoro, both Oriental and Occidental, ang long-term solution is ‘yung submarine cable para makabit na sa grid. Dahil ‘yun ang problema dito. Hindi pa nakakabit sa grid,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So, naglalagay na tayo ng submarine cable para dito specifically sa Mindoro,” dagdag na wika ng Chief Executive.

 

 

Sa isang situation briefing sa epekto ng matinding tag-tuyot sa agriculture sector sa Occidental Mindoro, binanggit ni Vice Governor Diana Tayag ang problema sa elektridad at humingi na ng tulong sa national government para tugunan ang tinatawag na “power crisis” sa lalawigan.

 

 

“Apektado po ng problemang ito ang agricultural sector. Mahalaga po ito sapagkat ang maayos na supply ng kuryente ay siyang susi para ang mga magsasaka naming. Ma-capture ang full value po ng kanilang produkto,” ayon kay Tayag.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Pangulo na ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para mapigilan ang power interruptions, at maging ang installation o pagkakakabit ng mas maraming kable para makakonekta ang lalawigan sa ibang lugar. (Daris Jose)

Other News
  • Usap-usapan ang pagdalo sa house blessing: ALDEN, seryoso at kumpirmadong nanliligaw na kay KATHRYN

    USAP-USAPAN na nga ngayon sa social media ang mga viral photos at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kilala rin bilang KathDen, na kuha sa naganap na house blessing ng Kapamilya actress.  Sa isang video ay makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn habang nakatitig lang sa kanya si Alden. Naging abala rin si Alden […]

  • NAVOTAS NAKAKUHA NG TOP MARK MULA SA COA

    SA anim na mgkakasunod na taon, nakamit ng Pamamahalang Lungsod ng Navotas ang pinakamaatas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA).     Ibinigay ng COA ang “unmodified opinion” sa presentation ng lungsod 2020 ng financial statements.     Ang Navotas ay nakatanggap ng parehong rating mula pa noong 2016, ang nag-iisang lokal […]

  • Ads February 22, 2021