• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Substitute bill para sa proteksyon ng mga turista at pinag-ibayong serbisyo, aprubado

Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang substitute bill sa apat na panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon at pinag-ibayong serbisyo ang mga turista.

 

Ito ay House Bill 1206 ni Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, HB 3684 ni Rep. Jake Vincent Villa, HB 3954 ni Rep. Alfred Vargas at HB 4839 ni Rep. Francisco Jose Matugas II.

 

Pinangunahan ni Bohol Rep. Edgar Chatto ang TWG na bumalangkas sa panukala, na nagsabing ginamit nila bilang working template ang HB 4839 sa kanilang pagpupulong.

 

Sa paliwanag ni Matugas sa kanyang HB 4839, sinabi niya na layunin ng panukala na tugunan ang mga pag-aalinlangan ng mga turista na nagnanais bumisita sa bansa, sa mga usapin hinggil sa kakulangan ng mga mapagkakatiwalaang pasilidad ng telekomunikasyon, ang pananaw na ang bansa ay hindi ligtas na lugar para sa mga turista, at mga balitang pinagkakakitaan umano ng husto ng mga lokal ang mga turista.

 

Ang substitute bill ay mag-aamyenda sa Republic Act 9593 o ang “Tourism Act of 2009.” Sinabi ni Chatto na layon ng substitute bill na magtatag ng Tourist Protection and Enhanced Services Inter-Agency Task force na pamumunuan ng kalihim ng Kagawaran ng Turismo. (ARA ROMERO)

Other News
  • Pandemic fatigue, ugat ng dumaraming quarantine violators – NTF

    Aminado ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na isa sa malaking challenge ngayon ang nararanasang pandemic fatigue.     Ayon kay NTF spokesman retired MGen. Restituto Padilla, ito ang kadalasang rason ng mga nahuhuling quarantine violators, lalo na sa mga mass gathering.     Aniya, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na […]

  • Gobyerno, target na bakunahan ang 90% ng mga guro at estudyante bago matapos ang Nobyembre

    PUNTIRYA ng pamahalaan na tapusin ang pagbabakuna, kahit man lang 90% ng mga guro, estudyante at iba pang education personnel laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) bago matapos ang Nobyembre.   Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., hepe ng National Task Force (NTF) against Covid-19, bahagi ito ng paghahanda ng gobyerno para tiyakin na ligtas […]

  • Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM

    DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon.     “Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., […]