• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Successful sitcom, nagtapos na after ten months… JOHN LLOYD, babalik din next year at tuloy na ang movie with BEA

TIYAK na mami-miss ng kanyang mga fans ang multi-awarded actor, na si John Lloyd Cruz, dahil after the highly successful ten-month run, “Happy ToGetHer” nag-air na kagabi, October 30, and season 2 finale, after “24 Oras Weekend.”  

 

 

Puring-puri ng mga viewers ang husay ni JLC, sabi nga ng isang fan, “kahit sinong actress and i-pair sa kanya bagay, napu-pull off niya at ang galing niyang mag-handle, walang ilang.  He is the King of Romcom up to now.”

 

 

Nakasama ni JLC sa show sina Carmi Martin, Vito Quizon, Miles Ocampo, Jayson Gainza and Kapuso beauties Ashley Rivera and Jenzel Angeles.

 

 

But don’t worry, dahil  muli silang magbabalik for a big surprise next year, sa direksyon pa rin ni Edgar “Bobot” Mortiz.

 

 

Balitang  gagawin na nina JLC at Bea Alonzo ang isang movie na matagal nang naghihintay sa kanila.  Tapos na rin kasi si Bea sa Pinoy adaptation ng K-drama na “Start-Up PH” with Alden Richards, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi and Ms. Gina Alajar, na napapanood sa GMA-7.

 

***

 

 

IKATUTUWA na ng mga fans ni Kapuso singer Golden Canedo, na may balita na tungkol sa The Clash Season 1 grand champion.

 

 

Nagtaka lamang sila nang biglang hindi na nag-apir si Golden sa noontime musical show ng GMA Network every Sunday, ang “All-Out Sundays.”

 

 

Nasagot nga ang katanungan ng mga fans and followers niya, nang mag-post si Golden sa kanyang Instagram, ng mga snap shots when she attended her capping, badge investiture, and candle lighting ceremony last Thursday, October 27.

 

 

Matagal na palang dream ni Golden na maging isang registered nurse, kaya isinaisantabi muna niya ang pagkanta at ipinagpatuloy ang studies niya sa Univesity of Visayas.

 

 

“I still cannot believe I have made this far.  I know what awaits me is a long journey to success, but I’m willing to continue as God and those who are supporting me will always be by my side, no matter what.

 

 

“SN now forda RN puhon,” Golden wrote in her caption.

 

 

Wait natin kung itutuloy pa rin ni Golden ang pagkanta kapag isa na siyang Registered Nurse.  Congratulations, Golden!

 

 

                                                            ***

 

 

SIMULA today, October 31, mapapanood na ang newest GMA powerhouse primetime drama series, ang “Mano Po Legacy, The Flower Sisters” na tiyak na aabangan ninyo gabi-gabi, ang mahuhusay na acting ng sisters na sina Aiko Melendez as Lily, Thea Tolentino as Dahlia, Angel Guardian as Iris, at Beauty Gonzalez as Violet.

 

 

Ang pinakahihintay dito ay sina Aiko at Beauty dahil bago pa sila magsimulang mag-taping ay ini-expect na  nila ang banggaan sa acting nila.

 

 

“Ito pong pagbabalik ko sa show business ay blessing po, dahil bukod sa makakatrabaho ko si Beauty na dati’y magkatapat ang aming shows, nagkaroon ako ng katapat bilang kaibigan,” sabi ni Aiko.

 

 

“Worth it ang lahat after seeing the trailer of Mano Po 3.  I don’t have any regrets na tinanggap ko itong project.  Show po naming lahat ito at makikita ninyo na magsa-shine kaming lahat dito.”

 

 

“Everytime na pumupunta ako sa work, I’m so excited kasi masaya talaga ‘yung set namin.  We get to collaborate with our directors and with our co-actors also,” sabi naman ni Beauty. “I’m very privileged to be part of Mano Po kasi this is a legacy and I thank Sir Joey (Reyes) and Ms. Roselle (Monteverde) for choosing me.  I’ll make sure that it’s worth it.”

 

 

Bukod sa four major characters ng ‘Mano Po Legacy’, ito yata ang seryeng napakalaki ng cast, more than 20 sila, dahil three generations ito ng Chua family, directed by Ian Lorenos, Nick Olanka and Sean Lim with Jose Javier Reyes as head writer.

Mapapanood ito ngayong gabi after “Start-Up PH.”

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Binatilyo, obrero tiklo sa bato at damo sa Valenzuela

    DALAWA, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos mabisto ang dala nilang iligal na droga makaraang masita sa pagdadala ng patalim at paglabag sa curfew sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagpapatrolya ang […]

  • Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni  Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo     “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]

  • Warriors, nalasap ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng Nuggets

    Nalasap ng Golden State Warriors ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng 2023 NBA champion na Denver Nuggets.       Dahil dito, lalo pang nabaon ang Warriors sa walong pagkatalo matapos simulan ang season sa 12 – 3, at maging pinakamalakas na team sa Western Conference.     Naging mahigpit ang laban sa […]