• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suggested prices sa mga noche buena products inilabas na ng DTI

INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products ngayong 2020.

 

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, napakiusapan nila ang mga manufacturers na ang gagamiting presyo ngayong taon ay parehas din noong 2019.

 

Isa aniya itong paraan para matulungan ang mga consumers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

 

Maipapatupad ang nasabing presyo sa Disyembre 15 dahil sa nasabing panahon ay doon marami ang namimili para sa kanilang mga handa.

 

Halimbawa lamang sa mga Noche Buena products na kabilang sa DTI SRP list ay mga ham, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, spaghetti pasta, elbow and salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, creamer at iba pa.

 

Samantala, mayroon namang inilaan ang ahensiya ng hanggang limang araw para i-adjust ng mga ahensiya ng kanilang mga presyo.

 

Tiniyak din ng DTI na mahigpit nilang babantayan ang mga negosyante kung ito ba ay naipapatupad ng tama.

Other News
  • Bulacan, nakapagbakuna ng higit 5 milyong doses ng bakuna kontra COVID

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Lalawigan ng Bulacan ng kabuuang 5,240,671 doses ng bakuna laban sa COVID-19 kabilang ang una at ikalawang dosis, single doses, at booster shots noong Abril 17, 2022. Ayon sa covid19updates.bulacan.gov.ph website, 2,281,195 Bulakenyo ang kumpleto na ang bakuna habang 2,418,385 naman ang tumanggap ng kanilang unang doses. Tinatayang 75.68% ng […]

  • Suplay ng tubig sa NCR, sapat sa gitna ng nakaambang El Niño -MWSS

    PINAWI ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa agam-agam na posibleng kakulangan sa suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon ngayong taon.     Ayon sa ahensiya, mayroong sapat na kapasidad ang Angat dam para matustusan ang kinakailangang tubig sa Metro Manila para sa nalalabing buwan ngayong […]

  • Ads October 28, 2023