Summer Reading Camp 2024, muling inilunsad sa Valenzuela
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
MULING inilunsad ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipagtulungan sa Synergeia Foundation at Department of Education (DeEd)-Valenzuela, ang Valenzuela Summer Reading Camp 2024 sa Pio Valenzuela Elementary School at Canumay West Elementary School, Miyerkules ng umaga, July 10, 2024.
Ayon kay Mayor WES, aabot sa 1,246 na mga estudyante sa Grade 3 hanggang Grade 6 ang nasuri ng DepEd na hindi talaga makapagbasa o bigong makapagbasa kaya’t kailangan nilang sumailalim sa programa ng 10-araw hanggang hindi pa nagbubukas ang klase.
Ang naturang programa ay nilikha sa ilalim ng Education 360 Degrees Program na umani na ng napakaraming parangal dahil sa komprehensibo pamamaraan na layuning mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Lungsod.
Sinabi ni Mayor WES na hindi sapat na matuto lang ng pagbabasa ang mga estudyante sa elementarya kundi dapat ay maintindihan nila ang kahulungan ng kanilang binabasa kaya’t inilalarga nila ang ganitong programa taon-taon upang ihanda ang kaalaman ng mga estudyante sa kanilang pagbabalik eskuwela.
Nanawagan din siya sa mga magulang ng mga batang estudyante na i-enroll ang kanilang mga anak sa programa upang mahasa ang kanilang kaalaman sa pagbabasa.
“Hindi lang po sa pag-eenroll, madali po ang mag-enroll, libre naman po ito, pero yung tapusin ang programa, yan po ang importante dahil nakikita naman po namin sa datus na malaking tulong ito sa pagbabasa, sa paghahabol at paghahanda sa ating mga learners pagdating ng panibagong school year,” pahayag ni Mayor WES sa kanyang talumpati.
Sinabi pa ng alkalde na ngayong darating na Balik Eskwela 2024 ay magbibigay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng libreng school kits at dalawang pares ng uniporme sa bawat isang estudyante mula kender hanggang grade 6.
Unang inilunsad ng pamahalaang lungsod ang programa noong taong 2014 at sa kasalukuyan, mahigit na sa 100 libong estudyante, ang naging benepisyaryo nito. (Richard Mesa)
-
Para tugunan ang problema sa kuryente: PBBM, naghahanap ng bagong pagkukuhanan ng power supply
NAGHAHANAP ang gobyerno ng bagong pagkukuhanan ng power supply para tugunan ang problema sa enerhiya ng bansa. Tanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ipinahayag ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na kulang sa suplay ng kuryente ang Pilipinas. “Tama naman ‘yung assessment na talagang kulang ang kuryente natin eh. […]
-
PDu30 kay Robredo sa isyu ng VFA: Wala ka sigurong alam!
“WALA ka sigurong alam!” Ito ang buweltang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang ihalintulad ni Vice-President Leni Robredo sa pangingikil ang paghingi niya (Pangulong Duterte) ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA). Sinabi kasi ni Robredo na parang gawain lamang ito […]
-
Marathon trivia
Lihis po muna ako sa running tips na ilang araw ko tinalakay. Ilang trivia sa marathon sa ating bansa noong dekada 80 ang gusto kong i-share sa inyo dear readers. Alam po ba ninyo ng mga panahong iyon ay wala pang curfew o cutoff time sa mga full-marathon o 42.195-kilometer race? Hindi […]