Suplay ng COVID-19 vaccine, hindi malayong kapusin sa first at second quarter ng taon –Galvez
- Published on February 17, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at and the United States.
Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna para ngayong taon para maisakatuparan ang vaccination program.
“Sa first quarter, second quarter, magkakahirapan pa rin po tayo dahil kasi ‘yong karamihan ng mga western vaccines ay ginagamit po ng mga tiga Europe at America,” ayon kay Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.
“Kung titingnan po natin ‘yong supply and demand sa 2021, may possibility po na ‘yong ating vaccination program ay makakaya po natin sa 2021,” dagdag na pahayag nito.
Naglaan ang Pilipinas ng P73.2 bilyong piso para pambili ng bakuna kung saan ang P40 bilyong piso ay mula sa multilateral agencies, P20 bilyong piso naman ay mula sa domestic sources, at P13.2 bilyong piso mula sa bilateral agreements.
Layon ng Pilipinas na makapagbakuna ng 50 hanggang 70 milyong indibiduwal sa loob ng taong kasalukuyan at 50,000 naman ay inaasahan na mababakunahan ngayong buwan ng Pebrero.
Ang mga priority groups ay kinabibilangan ng frontline health workers, indigent senior citizens, indigent population at uniformed personnel.
Nauna rito, sinabi ni Galvez na ang bakunang gawa ng American corporation na Pfizer ay unang gagamitin laban sa COVID-19 sa bansa dahil ang COVAX Facility ay magkakaroon ng maagang rollout ng nasabing brand. (Daris Jose)
-
Bagong subvariant maaaring dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region – OCTA
MAAARING nagdudulot ng kamakailang pagtaas ng mga bagong kaso sa National Capital Region (NCR) ang isang bagong subvariant ng COVID-19 ayon sa OCTA Research group. Inihayag ni OCTA fellow Guido David na hindi sila sigurado kung bakit may muling pagkabuhay sa mga kaso sa Metro Manila. Maaari itong maging bagong subvariant […]
-
New gag show na idi-direk nina ERIC at EPY, tribute kay Comedy King DOLPHY
“PANDEMIC Superstars” ang tawag ni Direk Roman Perez, Jr. kina AJ Raval at Sean De Guzman, ang bida sa bagong obra niya titled Hugas na ipalalabas via streaming sa Vivamax simula January 14. Kapwa sinabi nina AJ at Sean na ibinigay nila ang lahat nang kanilang makakaya para mapaganda ang Hugas kumpara sa […]
-
Malawakang job fair, isasagawa ng DOLE sa araw ng kalayaan
INILABAS na ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng mga lugar kung saan gaganapin ang job fair kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 araw ng kalayaan sa Hunyo 12, 2023. Ayon sa DOLE na kabilang sa job fair dito sa Metro Manila ay sa Rizal gymnasium sa lungsod ng Pasig, Paranaque […]