Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangingisda sa ilang lugar.
“Dahil nasa peak season tayo ngayon sa fishing activity. We expect na kaya nating punan ‘yung supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw,” pahayag ni Briguera.
Gayunman, sinabi ni Briquera, maaring maapektuhan pa rin ang suplay ng isda sa bansa dahil sa ilang balakid tulad ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.
Problema rin aniya ng mga mangingisda ngayon ang mataas na presyo sa produktong petrolyo at post-harvest losses.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatayo siya ng 11 cold storage facility para hindi masira ang mga huling isda. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Hepe ng LTFRB, sinuspinde ni PBBM
SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa gitna ng usapin ng korapsyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa usapin lalo pa’t hindi nito kinukunsinti ang […]
-
‘Pamilya ng namatay na tauhan sa Malacañang, tutulungan’
TINIYAK ng Palasyo Malacañang ang tulong sa mga naulila ng tauhan nilang nasawi sa loob ng complex nitong Huwebes. Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagpaabot na sila ng pakikiramay at ginagawa nila ang lahat para maalalayan ang pamilya ni Mario Castro, na isang empleyado ng Information Communications Technology Office sa ilalim ng […]
-
DOH naalarma sa pagtaas ng childhood pregnancy
NAGPAHAYAG ng pagkaalarma si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa pagtaas ng bilang ng childhood pregnancy sa bansa. Ayon kay Herbosa, nakapagtala ang bansa ng ‘very high incidence’ ng childhood pregnancy, o pagkabuntis ng mga batang wala pang 15-taong gulang. Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022, […]