Suporta ng US, Japan sa interes ng Pilipinas sa WPS isang tagumpay
- Published on April 16, 2024
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si House Speaker Martin Romualdez na isang tagumpay ang pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos at Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suportado ng mga ito ang interes at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay batay sa inilabas na Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Marcos matapos ang makasaysayang trilateral meeting sa Washington DC, noong Huwebes.
Kinondena rin ang tatlong lider ang ginagawang panggigipit ng coast guard ng China at mga barkong pangisda nito na nanghaharas sa mga Pilipino sa WPS.
Binigyan diin ng tatlong lider na pinal at legally binding ang Arbitral Tribunal ruling sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) na nagsasabing sa Pilipinas ang WPS na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas at dapat itong kilalanin ng China.
Sa talumpati ni US President Biden sa trilateral meeting, binigyan diin nito na anumang pag-atake sa eroplano, sasakyang pandagat o sa Armed Forces of the Philippines sa South China Sea ay agad na ipatutupad ang Mutual Defense Treaty (MDT).
Umaasa rin ang pinuno ng Kamara na ang makasaysayang pagpupulong ay makatutulong upang humupa ang tensyon sa WPS para na rin sa kabutihan ng lahat ng stakeholders.
Tiniyak din ni Romualdez, ang suporta ng Kamara kay Pangulong Marcos sa kanyang pagsisikap na pangalagaan at proteksyunan ang interes ng bansa sa WPS gayundin ang pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific Region.
Sa Joint Vision statement, ipinahayag ng tatlong pinuno ang lumalala at paulit-ulit na panggigipit ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, sa malayang paglalakbay sa karagatan, gayundin ang paghadlang sa pagdadala ng suplay ng pangangailangan sa Second Tomas Shoal na isang mapanganib na hakbang at nagpapalala sa sitwasyon.
Binabanggit din sa pahayag ang mariing pagtutol sa anumang balak ng China na pwersahang baguhin ang status quo sa East China, sa pamamagitan ng mga hakbang na guluhin ang matagal nang pamamahala ng Japan sa Senkaku Islands.
Nananawagan din ang tatlong pinuno ng bansa sa pananatili ng kapayapaan at katatagan hanggang sa Taiwan Strait, na isang katunayan ng pandaigdigang seguridad at kasaganaan.
Kumpiyansa naman ang pinuno ng Kamara sa paninindigan ng U.S at Japan sa joint statement na patuloy na susuporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Coast Guard, kasama na rito ang pagbibigay ng Japan ng labindalawang mga barko ng Coast Guard at karagdagang limang barko sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero
Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal […]
-
LGBT Bulacan Federation, naglaan ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Naglaan ang Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Health Office – Public Health, sa inisyatiba ng LGBT Bulacan Federation, ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo laban sa COVID-19 na isasagawa sa Nobyembre 11, 2021, 8:00 N.U. hanggang 2:00 N.H. sa Provincial Vaccination Site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, […]
-
Quiapo church magiging National Shrine na
PORMAL na tatawagin bilang National Shrine ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church. Ayon sa Department of Tourism and Arts of Manila na magsisimula itong tawagin sa darating na Enero 29. Kinumpirma rin ng pamunuan ng Quiapo church na nakatanggap sila ng abiso mula sa Catholic Bishops Conference […]