• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suporta ni Biden para sa Taiwan, ‘a ‘red line’ in ties”- Xi

NAGBABALA si Chinese President Xi Jinping sa Estados Unidos na huwag lumagpas o tumawid sa “red line” sa pagsuporta sa Taiwan.

 

Sa kabila nito, sinabi ni Xi sa kanyang counterpart na si Joe Biden na nakahanda ang Beijing na makatrabaho ang incoming administration ni Donald Trump.

 

Nagpulong sina Biden at Xi sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Peru, dalawang buwan bago umupo si Trump sa kanyang tanggapan sa gitna ng alalahanin ng bagong ‘trade wars at diplomatic upheaval.’

 

Giit ng Tsina, itinuturing nito ang Taiwan bilang sarili nitong teritoryo at tumangging pamunuan gamit ang puwersa para sakupin ito habang ang Estados Unidos ay “is the self-ruled island’s main security backer even though it does not recognise Taipei diplomatically.”

 

Sinabi ni Xi kay Biden na “Taiwan issue, democracy and human rights, pathways and systems, and development interests are China’s four red lines that must not be challenged”, ayon sa Chinese state broadcaster CCTV.

 

 

“These are the most important guardrails and safety net for China-US relations,” ang iniulat ng CCTV na sinabi ni Xi.

 

“The separatist actions of ‘Taiwan independence’ are incompatible with peace and stability in the Taiwan Strait,” ang winika pa ni Xi.

 

Sa kabilang dako, sinabi ng foreign ministry ng Taiwan na “China’s ongoing military provocations near Taiwan are the root cause of destroying regional peace and stability and the major threat to global economic prosperity”.

 

Sinabi pa rin ni Xi kay Biden na ang Washington “should not intervene in bilateral disputes… and not condone or support provocative impulses” sa South China Sea, ayon sa CCTV.

 

Sinabi pa ni Xi ang posisyon ng Tsina sa labanan sa Ukraine ay “open and aboveboard”, at hindi papayagan ng Beijing ang tensiyon sa Korean peninsula upang “descend into conflict or chaos”, ang iniulat ng CCTV.

 

Samantala, inanunsyo ni Xi na Tsina ang magho-host ng susunod na APEC summit sa 2026.
Ang pag-uusap ay naglalayon na “unite Asia-Pacific countries to champion open economic and trade cooperation while rejecting protectionist and confrontational trade tactics”.

 

Ngunit sinabi ni Xi na ang China ay “strive for a smooth transition” sa relasyon sa Estados Unidos at handa na makatrabaho ang incoming Trump government.

 

“China is ready to work with the new US administration to maintain communication, expand cooperation and manage differences, so as to strive for a smooth transition of the China-US relationship,” ang sinabi ni Xi kay Biden sa pamamagitan ng isang translator. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA

    NAGPAABOT nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ng Filipino na binitay sa Kingdom of Saudi Arabia.   Sinabi ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng legal remedies para iapela ang desisyon ng Saudi Arabia.   Tiniyak naman nito sa mga naulilang pamilya na tutulong ang gobyerno para maibalik […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 13) Story by Geraldine Monzon

    HINUBAD ni Roden ang kuwintas na nakasuot kay Angela at pinalitan iyon ng bagong kuwintas na binili niya para rito. Siya mismo ang nagsuot sa leeg nito. Unti-unting namang bumaba ang tingin ni Angela mula sa pagtanaw sa labas ng bintana hanggang sa nakalapag na kuwintas sa papag. Tila ba may nais itong ipaalala sa […]

  • Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat

    ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente […]