• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suportado siya ni Inah sa bagong teleserye: JAKE, aminadong nangapa sila ni BEA sa muling pagtatambal

IT’S super grand celebration of love and friendship as Beautederm Home marks another milestone as it commemorates the formal renewal of Marian Rivera-Dantes as its official brand ambassador for another 30 months.

 

 

Sa launch may nagtanong bakit 30 months lamang? Para kay Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm, wala raw limit ang contract, forever na raw iyon.

 

 

Inihayag naman ni Marian na overjoyed siya sa relationship niya with Beautederm Home na nagsimula pa noong 2018, “and I am excited as I look forward to many more years with this brand that is very dear to my heart,” sabi ni Marian matapos niya muling pumirma ng panibagong contract.

 

 

“We have worked so hard in developing these new products and I am so proud to introduce and present them to everyone.”

 

 

Para naman kay Ms. Rhea ang relasyon daw niya kay Marian has transcended from business to a loving sisterly bond that she deeply treasures, “Marian is an extremely valued member of the Beautederm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador for another 30 months and hopefully more years in the future.

 

 

“Marian and I are really like sisters. She’s my baby sister as she is the sweetest and the kindest, and one of the most professional ambassadors that we have.”

 

 

Dapat daw pala ay dadalhin niya si Marian sa store ng Beautederm sa Singapore, pero hindi natuloy dahil sa pandemic, pero kapag maayos na raw ang lahat ay itutuloy nila ni Marian ang pagbisita.

 

 

Dalawa ang new products na ini-release nila, ang Pour Tout Faire, a 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects and protects as it is formulated to eliminate unpleasant odors. Dalawa ang variants nito, ang Fresh & Vibrant at Clean & Calm.

 

 

***

 

 

SUPORTADO ni Inah de Belen ang boyfriend na si Jake Vargas sa bagong serye nito, ang The Fake Life sa GMA Afternoon Prime.

 

 

Balik-tambalan sina Jake at dating ka-loveteam and ex-girlfriend na si Bea Binene, after seven years na nagkahiwalay sila. Pangungunahan nina Ariel Rivera, Beauty Gonzalez at Sid Lucero ang afternoon series.

 

 

Gaganap si Bea as the young Beauty, si Jake naman ang batang si Sid at ka-love triangle nila si Kristoffere Martin na gaganap namang batang Ariel. Natanong sina Jake at Bea kung nagkaroon ba sila ng ilangan sa isa’t isa sa first scene nila together.

 

 

“Matagal din po kaming hindi nagkasama sa TV ni Bea, kaya medyo nangangapa pa kami noong una, pero nang tumagal okay na kami,” sagot ni Jake.

 

 

“Medyo po mabibigat ang mga eksena namin ngayon, ‘di tulad noon na sweet at mga kilig moments ang eksena namin.”

 

 

Mapapanood na ang The Fake Life simula sa Monday, June 6, 4:15PM sa GMA-7.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Unang cash incentive, natanggap na ni Hidilyn mula sa MVP Foundation

    Kinumpirma ng MVP Sports Foundation (MVPSF) chairman na si Manny V. Pangilinan na naideposito na nila sa account ni Hidilyn Diaz ang P10 milyon na cash incentive.     Ito ang pangakong financial reward ng MVP Foundation para sa Olympic gold medalist     Lubos naman ang pasasalamat ng 30-anyos na Pinay weightlifter sa unang […]

  • Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila

    Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19.     “Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi […]

  • Panukalang pambansang pondo para sa 2024, tinatayang mailalabas na – DBM

    NAKATAKDANG maisapinal ang pondo para sa 2024 sa ikalawang linggo ng Mayo kung saan bulto ng expenditure program ay inilaan para sa social services sector.     Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hiniling na ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno para magsumite ng kanilang budget proposal […]