Supply ng face shields sa bansa, tiniyak ng Malakanyang
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
TITIYAKIN ng pamahalaan na may sapat na suplay ng face shields sa buong Pilipinas.
Ito’y matapos na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield para sa mga mananakay simula sa Agosto15.
Magkatuwang na pangangasiwaan ng Department of Trade and Industry, at Department of Health ang suplay ng face shields sa bansa.
“Sisiguraduhin naman po ng ating DTI at DOH na dahil ginawang mandatory ‘yan sa pagsakay sa pampublikong sasakyan, magkakaroon po ng supply ang buong Pilipinas,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Nauna rito, inanunsyo ng Department of Transportation na ang mga pasahero ng lahat ng uri ng public transport ay kinakailangan na magsuot ng face shields kasama ng anti-virus masks simula Agosto15.
Hinikayat ng pamahalaan ang publiko na mandatory na magsuot ng face shields sa ibabaw ng face masks bunsod ng patuloy ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa.
Ang Public transport ay nananatiling suspendido sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal dahil sa umiiral na modified enhanced community quarantine. (Daris Jose)
-
Ads February 8, 2020
-
PBBM, pinasalamatan si Malaysian PM Anwar para sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine
PERSONAL na tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pasalamatan ito sa tulong ng gobyerno nito sa Pilipinas matapos na hagupitin ng Severe Tropical Storm Kristine. “The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who […]
-
Pinoy seaman na may COVID-19 ‘Indian variant’ pumanaw na; 11 gumaling na
Pumanaw na ang isang Pilipino seaman na tinamaan ng B.1.617, ang variant ng COVID-19 na unang natuklasan sa India. Ayon sa Department of Health (DOH), noong Biyernes, May 21, nang bawian ng buhay ang lalaki. Kabilang siya sa siyam na crew ng MV Athens Bridge na nag-positibo sa tinaguriang “Indian variant.” […]