Supply ng face shields sa bansa, tiniyak ng Malakanyang
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
TITIYAKIN ng pamahalaan na may sapat na suplay ng face shields sa buong Pilipinas.
Ito’y matapos na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield para sa mga mananakay simula sa Agosto15.
Magkatuwang na pangangasiwaan ng Department of Trade and Industry, at Department of Health ang suplay ng face shields sa bansa.
“Sisiguraduhin naman po ng ating DTI at DOH na dahil ginawang mandatory ‘yan sa pagsakay sa pampublikong sasakyan, magkakaroon po ng supply ang buong Pilipinas,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Nauna rito, inanunsyo ng Department of Transportation na ang mga pasahero ng lahat ng uri ng public transport ay kinakailangan na magsuot ng face shields kasama ng anti-virus masks simula Agosto15.
Hinikayat ng pamahalaan ang publiko na mandatory na magsuot ng face shields sa ibabaw ng face masks bunsod ng patuloy ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa.
Ang Public transport ay nananatiling suspendido sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal dahil sa umiiral na modified enhanced community quarantine. (Daris Jose)
-
Comelec, patutunayang walang iregularidad sa katatapos na halalan- Malakanyang
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) na patunayan na walang iregularidad sa katatapos lamang na May 9 national at local elections. Sinabi kasi ng International Observer Mission (IOM) ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na ang katatapos lamang na eleksyon sa bansa ay “were not free […]
-
Sapatos na ginamit ni Michael Jordan sa kanyang rookie season, naibenta sa halagang P47-M
Naibenta sa halagang $1,472,000 o katumbas ng P74,689,280 ang sapatos ng sinasabing greatest of all time (GOAT) at NBA superstar na si Michael Jordan. Ang sneakers na ginamit ni Jordan ay nakapagtala ng auction record para sa game-worn footwear. Ang kombinasyon ng red-and-white shoes ay ginamit ng iconic player sa ika-limang […]
-
PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo
MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko. Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw. “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako […]