• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Supportive naman at ‘nakikialam’ in a good way: LA, never nagka-problema sa mommy niya sa naging girlfriends

HINDI raw nagkaroon ng problema si LA Santos sa pagitan ng mommy Flor Santos niya at sa mga naging girlfriends niya dati.

 

 

Natatawang lahad ni LA, “Ano naman po si mommy, parang never naman akong nagkaroon ng eksena na ayaw niya yung girlfriend ko.

 

 

“Kasi po, magaling akong pumili ng girl e,” at muling tumawa ang guwapong newbie actor.

 

 

“Joke lang! Pero si mommy kasi, very loving sa lahat ng tao.”

 

 

Loveless si LA ngayon.

 

 

Kapag nagkaroon siyang muli ng GF…

 

 

“Siyempre aalagaan ko siyang mabuti.

 

 

“At saka unang-una, iyon na rin ang pinakapayo ko sa lahat ng mga lalaki, maging gentleman lang naman palagi, showbiz man o hindi ang dyowa.”

 

 

Tumatawang kuwento pa ni LA, noong may GF siya ay “nakikialam” ang mommy niya.

 

 

“Nakikialam in a good way. Kasi nung may girlfriend po ako dati, nireregaluhan ni mommy ng damit. Pine-facial niya.

 

 

“Nakikialam in a good way, iyon nga, in a good way.”

 

 

Tatlong taon sila ng huli niyang karelasyon na humantong sa hiwalayan.

 

 

“Parang nag-drift apart kami. Kasi di ba, ako po, showbiz. “Tapos, siya kasi…”

 

 

Estudyante ang ex-GF ni LA.

 

 

“Kaya dun na po kami parang nag-drift apart.

 

 

“Pero I’m very happy.

 

 

“Supportive siya. Talagang naging mahirap lang yung situation namin. Kasi ano po, nagkaroon ng misunderstanding.

 

 

“Pero habang buhay po ako na thankful sa girl na iyon, kasi siyempre, sobrang daming happy memories po,” saad pa ni LA.

 

 

Magkaibigan pa rin si LA at ang kanyang former GF and for sure, happy si girl dahil may pelikula na si LA at bida pa ang binata, sa ‘In His Mother’s Eyes’ na ipapalabas sa mga sinehan sa November 29, sa direksyon ni FM Reyes.

 

 

At bongga ang mga kapwa bida ni LA sa movie, walang iba kundi sina Maricel Soriano at Roderick Paulate.

 

 

Sa trailer pa lang, nangangamoy blockbuster na ang pelikulang ito ng 7K Entertainment.

 

 

***

 

 

PRESSURE kay Shaira Diaz na posibleng magkaroon sila ng sampalan at sabunutan ni Claudine Baretto sa ‘Lovers/Liars’ ng GMA.

 

 

“Opo,” bulalas ni Shaira.

 

 

“Pero iyon po yung gusto ko, gusto kong maranasan, gusto ko po yan, kasi sabi ko nga gusto kong ma-experience firsthand yung mga… kung paano siya, kung ano siya dati nung napapanood ko siya nung bata pa ako.

 

 

“Gusto kong matuto sa kanya at willing akong matuto sa kanya, kasi alam naman natin kung gaano kagaling si Ate Clau, di ba? At fan ako, bata pa lang, Marina days pa lang, sobrang love ko na lahat ng projects niya, at magaling talaga siya, so kung magkakaroon ng pagkakataon na ganun, sobrang nilu-look forward ko po talaga,” wika pa ni Shaira.

 

 

First time niyang katrabaho si Claudine.

 

 

“At ang masasabi ko ang bait-bait niya at ang sweet niya, hindi siya… at first natatakot kami ni Yasser i-approach siya, siyempre di ba pag big star na, may wall kahit papaano, di ba?

 

 

“Pero siya, siya yung nauunang magsabi na, ‘Throw lines tayo, baby’, gumaganun siya.

 

 

“So yung mga ganung gestures talagang na-a-appreciate naming mga kabataan, kasi para manggaling sa kanila, sila yung unang kumbaga mag-make move para mapa-feel sa amin na maging kumportable kaming katrabaho siya, ginagawa niya.

 

 

“So sobrang grateful ako na nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya dito sa Lovers/Liars,” pahayag pa ni Shaira na mapapanood sa ‘Lovers/Liars’ bilang si Nika Aquino.

 

 

Sa direksyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads November 3, 2021

  • LTFRB: Walang katotohanan na magkakaroon ng fare hike dahil sa PUVMP

    SINABI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang katotohanan ang mga alegasyon ng grupong Piston at Manilbela na magakakaron ng pagtaas ng pamasahe dahil sa pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan. Binigyan diin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na walang katotohanan na tataas ng hanggang P25 pesos […]

  • Ads March 29, 2022