SUSPEK SA PAGKAMATAY NI DACERA, INIREKOMENDANG SAMPAHAN NG NBI
- Published on March 15, 2021
- by @peoplesbalita
INIREREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng mga kasong criminal laban sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imrpudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer sa mga personalidad na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkamatay ng flight attendant.
Kabilang sa pinasasailalim sa preliminary investigation ng DOJ ay sina Ploce Major Michael Nick Sarmiento, Medico Legal Office ng Southern Police District Crime Laboratory dahil sa kasong Fasification of Public Documents; Mark Anthony Rosales; John Pascual Dela Serna III; Darwin Joseph Macalia; Gregorio Angelo Raael De Guzman; Jezreel Rapinan; Alain Chen; Reymar Englis; Atty Neptali Maroto; Louie De Lima; at Rommel Galid.
Kasong obstruction of justice naman ang inirekomenda ng NBI laban kina Mark Rosales, Rommel Galido, John Dela Serna, Gregorio de Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymay Englis, Darwin Macalla, na mga occupant sa inimbestigahan room sa hotel kung saan naganap ang insidente ng pagkamatay ni Dacera.
Dawit din sa obstruction of justice ang kanilang counsel na si Atty. Neptali Maroto habang si Mark Rosales ay pinalilitis sa kaso ng bawal na droga.
Batay sa imbestigasyon ng NBI, tinangka ni Rosales at Galido na mamigay ng iligal na droga kay Dacera.
Samantala, nakakalap ng ebidensiya ang NBI upang panagutin sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sina Dela Serna, Rapinan, Chen at Delima. (GENE ADSUARA)
-
Pdu30, sobrang kumpiyansa na maipapasa ang 2021 national budget sa tamang oras
“VERY optimistic” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipapasa sa tamang oras ang panukalang 2021 national budget matapos na ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay pinal na naresolba ang bangayan sa speakership. Ang pahayag na ito ni Presi- dential spokesperson Harry Roque ay matapos na palitan ni Marinduque Representative Lord Allan […]
-
Higit 800 barangays recipient sa P16.4-B Barangay Development Program ng gobyerno
NASA 822 barangays na dating NPA infested areas ang na- cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP). Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng […]
-
Mga nabakunahang OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30
Papayagan nang makapasok sa Hong Kong mula Agosto 30 ang mga manggagawang Pilipino na nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III. Pumayag na kasi aniya ang Hong Kong na tanggapin ang maipapakitang vaccine cards ng mga OFWs mula sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas. Tinatayang aabot […]