Suspek sa pagpatay sa opisyal ng HPG, nasa Camp Crame na
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
SUMUKO na ang driver ng negosyanteng nakaengkuwentro ng mga tauhan ng Cavite Provincial-Highway Patrol Team na ikinamatay ng isang opisyal at ng suspek matapos silang sitahin dahil walang plaka ang sinasakyang Nissan Terra sa Manila -Cavite Road Barangay 8, Pulo 3, Cavite City.
Ang suspek na dinala kaninang umaga ng mga tauhan ng SOD- HPG sa Camp Crame Quezon City sa pamumuno ni PCMS Edison Manocum ng Cavite City-PNP ay kinilalang si Reymundo de Leon Suniga, 34, tubong Barangay Salomague, Bugallon, Pangasinan.
Matatandaan na nitong November 6, 2020 habang nagsasagawa ng Anti-Carnapping Operation ang mga miyembro ng Cavite Provincial Highway Patrol Team ay namataan nila ang Nissan Terra ng mga suspek na walang plate num- ber at conduction sticker.
Sinita ng mga pulis ang mga suspek at hinanapan ng dokumento ng sasakyan subalit nagpakilalang mga Navy.
Nang walang maipakitang dokumento ang mga suspek, kaagad na pinaputukan ng napatay na suspek na si Methusael Brown Cebrian ang mga tauhan ng HPG gamit ang isang caliber 5.56 Bushmaster.
Namatay noon din PCMS Julius Arcallas at ikinasugat nina PSSg Emerson Domingo ,P/Capt Eduardo Joy Guadamor at isang bystander na si Eduardo Magbana ng Barangay 8 Pulo 3 Cavite City.
Habang kasagsagan ng engkuwentro ay mabilis na tumakas siya.
Narekober ang sasakyan ng mga suspek silver gray na Nissan Terra na mayroon nang plaka na F2 G911 matapos abandonahin ng sumukong driver sa Alabang. (Gene Adsuara)
-
55 websites, ipinasara ng United States dahil sa illegal live streaming ng FIFA World Cup
LIMAMPU’T limang website ang nasamsam ng US Justice Department para sa ilegal na live-streaming na mga laban mula sa FIFA World Cup sa Qatar. Ayon sa pahayag ng departamento, ang mga website ay isinara matapos matukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga site na ginagamit upang ipamahagi ang nilalamang lumalabag sa copyright […]
-
Travel ban ng US sa PH, naiintindihan natin – DOT
Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban ng US sa Pilipinas dahi sa banta pa rin ng COVID-19. Ayon sa DOT, nais lamang ng US na protektahan ang kanilang mga mamamayan para sila ay hindi mahawaan ng COVID-19. Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban […]
-
2 tulak arestado sa P204K shabu sa Malabon
KULONG ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ross Deguia, 23 ng Celia I St., Brgy. Bayan-Bayanan at […]