• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspek sa textbook procurement, arestado ng NBI

ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa P24 milyong textbook procurement anomaly noong 1998 na una nang itinuturing na patay.

 

Si Mary Ann Maslog ay inaresto noong September 25 matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa isang Jessica Francisco .

 

Sa imbestigasyon nadiskubre ng awtoridad na si Maslog at Francisco ay parehong tao sa pamamagitan ng fingerprint matching.

 

“As far as she is concerned, ang alam ng Sandiganbayan, patay na siya. Pero noong may magreklamo sa amin about Dr. Jessica Francisco…we found out that Mary Ann Maslog and Jessica Francisco are the one and the same person,” sabi ni NBI Director Jaime Santiago.

 

Kinasuhan si Maslog na publishing company agent at dalawang opisyal ng Department of Education, Culture, and Sports (na ngayon ay Department of Education) ng graft na my kaugnayan sa scam.

 

Nauna nang sinabi ng Office of the Ombudsman na ang dalawang opisyal ng DECS ang nagproseso at nag-apruba ng mga dokumento ng P24-million supply contract para sa mga textbook na pabor sa Esteem Enterprises na kinatawan ng Maslog.

 

 

Ang dalawang dating opisyal ng edukasyon ay sinentensiyahan ng hanggang 10 taong pagkakakulong noong 2020. Habang ang kaso laban kay Maslog ay iniutos na i-dismiss dahil sa umano’y pagkamatay nito noong 2019. GENE ADSUARA

Other News
  • Jeepney operators at drivers binahagi ang mga hinaing sa consolidation

    MULING nanawagan ang mga jeepney operators at drivers sa pamahalaan na lumahok at nagtayo ng kooperatiba para sa programa ng PUV Modernization na tanggalin at huwag ng ipatupad ang consolidation.       Sa isang press conference na ginawa ng PISTON ay kanilang sinabi na ang mga operators na sumali sa consolidation ay nawalan ng […]

  • Sec Año itinangging inutusan ang PNP na puntahan ang mga community pantry

    Ikinagulat ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang ginagawang pag-iikot ng mga pulis sa iba’t ibang community pantries upang magsagawa umano ng profiling sa organizers nito.     Ayon kay Año, wala siyang inutos sa PNP na magsagawa ng profiling at hindi na bago ang mga nagsulputang community pantry dahil matagal na itong […]

  • Kiyomi bigatin ang makakalaban sa Tokyo Games

    Aminado ang Philippine Judo Federation (PJF) na mahihirapan si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na makapag-uwi ng medalya mula sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ito ay dahil sa bigating mga karibal ni Watanabe sa women’s -63-kilogram division, ayon kay PJF president David Carter.     Ilan rito ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou […]