• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUSPEK TODAS SA GULPI NG GRUPO NG BYSTANDER SA CALOOCAN

PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki na bumaril sa isang tricycle driver matapos pagtulungan kuyugin ng grupo ng bystander sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa ulat ni PCpl Mark Julius Pajaron kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, habang naglalaro ng table pool games sa P. Halili Street, Barangay 128 ang biktimang si Lester Tenedero, tricycle driver at residente sa lugar dakong alas-8:40 ng gabi nang biglang lapitan ng suspek na nakasuot ng grey t-shirt, grey short at belt bag color lime na armado ng cal. 45 pistol saka binaril siya ulo.

 

 

Matapos ang insidente, tinangkang tumakas ng suspek sakay ng isang motorsiklo subalit, nagawa siyang mahawakan ng grupo ng bystander at pinagtulungan gulpihin na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

Isinugod naman ang biktima ng kanyang kapatid na si Leslie Tenedero sa Caloocan City Medical Center kung saan ito sumailalim sa surgical operation sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

 

 

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang Yamaha NMAX na kulay black gray for registration, dalawang .45 caliber pistols na walang serial number at tatlong magazines na kargado ng mga bala. (Richard Mesa)

Other News
  • NEW “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES” MOVIE “MUTANT MAYHEM” REVEALS TEASER TRAILER

    FROM permanent teenager Seth Rogen, a new generation of heroes will rise…from the sewers. Watch the new teaser trailer for Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem – Only in cinemas this August 2023.     YouTube: https://youtu.be/P5XBy6lMfWE     Facebook: https://facebook.com/watch/?v=1186827725366595&ref=sharing     Paramount Pictures, Nickelodeon Movies, and Point Grey Productions present the all-new CG-animated theatrical film, Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant […]

  • Rider na armado ng baril, nasabat sa Oplan Sita sa Valenzuela

    KALABOSO ang isang rider nang mabisto ang dalang baril makaraang makipaghabulan sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang mga tauhan ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban […]

  • Kumayod nang husto para sa mga pangarap: TEEJAY, marami ring pinagdaanan na hirap sa buhay

    UNANG beses na napanood ni Teejay Marquez ang pelikula nilang “Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)” sa special screening nito noong Agosto 27 sa Cinema 1 ng SM Megamall.   Ang una naming itinanong kay Teejay ay kung ano ang naramdaman niya matapos mapanood ang pelikula.   Lahad niya, “Siyempre nakatutuwa and […]