Suspensiyon ng payment claims ng mga ospital, ipinagpaliban ng PhilHealth
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang implementasyon ng isang circular na pansamantalang nagsususpinde sa claims payments ng mga pagamutan.
Ito’y habang nagkakaroon pa ng dayalogo sa pagitan ng state insurer at ng mga naturang pagamutan.
Nauna rito, nabatid na inisyu ng PhilHealth ang Circular No. 2021-0013 na nagtatakda ng mga guidelines sa Temporary Suspension of Payment of Claims (TSPC) bilang preventive measure laban sa mga healthcare providers na iniimbestigahan nila.
Umani naman ng mga negatibong kumento mula sa grupo ng mga ospital ang nasabing circular at ibinunyag na may utang pa nga sa kanila ang ahensya ng aabot sa P86 bilyong piso sa claim payments.
Gayunman, sinabi ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo na sinuspinde muna ng state insurer ang circular dahil makikipag-usap muna sila kay Health Undersecretary Leopoldo Vega at sa mga pagamutan hinggil sa mga umano’y delayed hospital payments. (Daris Jose)
-
The Flash Meets the Heroes of The Past in ‘Justice Society: World War II’ Trailer
IGN and Warner Bros. Animation have just debuted the first trailer for the new DC animated film, Justice Society: World War II. In this upcoming film, the modern-day Flash, Barry Allen, travels back in time and meets the classic Golden Age superhero team Justice Society of America. Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=14I0DejYo54&feature=emb_logo […]
-
Kailangang pondo para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age bracket, huhugutin sa reserves ng gobyerno- DoF
SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakaling umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager. Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group. Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno […]
-
Oplan Pag-Abot ng DSWD, napanatiling ligtas ang 1,461 katao mula sa panganib sa lansangan
NAPANATILI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Oplan Pag-Abot nito, ang 1,461 katao, na nakatira noon sa lansangan sa Kalakhang Maynila na ligtas mula sa panganib sa lansangan. “As of Dec. 18,” ang Oplan Pag-Abot na inilunsad noong Hulyo, umabot sa 871 miyembro ng pamilya at 590 unattached […]