Suspensiyon ng payment claims ng mga ospital, ipinagpaliban ng PhilHealth
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang implementasyon ng isang circular na pansamantalang nagsususpinde sa claims payments ng mga pagamutan.
Ito’y habang nagkakaroon pa ng dayalogo sa pagitan ng state insurer at ng mga naturang pagamutan.
Nauna rito, nabatid na inisyu ng PhilHealth ang Circular No. 2021-0013 na nagtatakda ng mga guidelines sa Temporary Suspension of Payment of Claims (TSPC) bilang preventive measure laban sa mga healthcare providers na iniimbestigahan nila.
Umani naman ng mga negatibong kumento mula sa grupo ng mga ospital ang nasabing circular at ibinunyag na may utang pa nga sa kanila ang ahensya ng aabot sa P86 bilyong piso sa claim payments.
Gayunman, sinabi ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo na sinuspinde muna ng state insurer ang circular dahil makikipag-usap muna sila kay Health Undersecretary Leopoldo Vega at sa mga pagamutan hinggil sa mga umano’y delayed hospital payments. (Daris Jose)
-
MEET THE CAST AND CHARACTERS OF “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” IN NEW POSTERS AND FEATURETTE
NOW this is some mutant mayhem. Meet the cast of Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, in cinemas August 23, in this new featurette: Watch the cast featurette: https://youtu.be/Z-ssi2F3iKg And get a glimpse of the colorful characters of Mutant Mayhem with these awesome new character posters: About Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem In Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, after […]
-
Umento ng government workers matatanggap na
MAAARI nang matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa sahod ngayong taon. Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hinihintay na lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito. Lumalabas na nasa P36 bilyon ang nakalaang alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal Year 2024. […]
-
Ads October 28, 2020