• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspensiyon sa deliberasyon sa pondo ng PCOO, pinalagan ni PCOO Usec. Badoy

Unfair!

 

Ito ang naging pahayag  ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy matapos suspendihin ang budget hearing na may kinalaman sa proposed budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

 

Ayon kay Badoy, hindi makatuwiran  na nagkaroon ng delay sa budget deliberation na ayon sa Makabayan bloc ay dapat lang na isisi sa kanya.

 

Giit ni Badoy, hindi naman dapat na madamay ang PCOO sa usapin ng red tagging sa mga kongresistang kabilang sa Makabayan bloc.

 

Ang kanyang tindig aniya kontra sa mga mambabatas na binigyan niya ng red tagging ay kanyang posisyon bilang tagapag- salita ng National Task force to End Local Communist Armed Conflict na nasa ilalim ng National Security Council (NSC).

 

Kaya ang sabi ni Badoy,  hindi naman patas na pati ang pagtalakay sa budget ng PCOO ay nadamay sa isyu lalot ang pokus ng Communications office ay nasa information dissemination.

 

Kung may maaapektuhan aniya ng deliberasyon sa pondo, ito ay sa hanay dapat ng NSC. (Daris Jose)

Other News
  • Wish ni Megastar na maging real friends na sila: SHARON at GABBY, nag-hug at nag-kiss sa ‘di inaasahang pagkikita

    SI Gabby Concepcion ang unang sumalang sa presscon ng ‘Dear Heart The Concert’, ang most anticipated grand reunion nila ni Megastar Sharon Cuneta at historic moment sa Philippine entertainment industry ay magaganap na sa SM MOA Arena sa October 27, 2023.   At sa naturang presscon, in-announce din almost sold out na ang concert. Pero […]

  • Lacuna: Unang babaeng alkalde ng Maynila

    GUMAWA ng kasaysayan si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna makaraang maiproklama kahapon na unang babaeng alkalde ng siyudad ng Maynila.     Pasado alas-7 ng gabi nang ideklara ng local board of canvassers ng Comelec si Lacuna bilang nagwagi sa ­mayoralty race sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.     Iprinoklama rin ang bagong Bise […]

  • 2 nadakma sa higit P1 milyon shabu at granada sa Navotas

    MULING naka-iskor ng tagumpay ang Northern Police District (NPD) sa kanilang laban sa ilegal na droga kasunod ng pagkakatimbog sa dalawang drug pushers at pagkakakumpiska ng mahigit ng P1 milyon halaga ng shabu at granada sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz ang […]