“SUSUKA pero hindi SUSUKO”
- Published on April 19, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI inalintana ng mga youth volunteers ni presidential candidate Manila Mayor Francisco “ISKO” Domagoso na lulan ng “Bus ni Isko” ang bagyo at sama ng panahon matapos nilang suungin ito patungo ng Dapitan , Zamboanga del Norte noong nakaraang araw ng Martes ng buong tapang.
Ayon Kay Ces Bayan , ng grupong Ama ni ISKO, at team leader ng Visayas -Mindano Bus ni Isko, naging challenging ang biyahe patawid ng dagat ng Dapitan City sa pamamagitan ng RoRo dahil sa sama ng panahon.
Sa kabila nito, hindi sumuko ang naturang mga youth volunteers ng 47 anyos na Alkalde ng Maynila upang ituloy ang kanilang kampanya sa nasabing lugar.
“Laban lang po, walang susuko” ayon pa kay Bayan.
“SUSUKA pero hindi SUSUKO”, aniya. Ito ay matapos na makaranas ng pagkahilo at pagsusuka ang ilang kapwa kabataan habang sakay ng RoRo ang kanilang grupo patungo ng Dapitan City.
Nauna rito, nanggaling ng Dumaguete City ang mga kabataan kung saan namahagi ng T-shirts , stickers, apron, at iba pang campaign materials upang kumbinsihin pa ang ilang kabataan na mag SWITCH to ISKO na.
Sa kabila nang malakas na buhos ng ulan na naging dahilan ng pagkaantalang biyahe ng naturang grupo, sinuong pa rin nila ito upang makarating ng Dapitan sa pamamagitan ng RoRo at maituloy ang pangangampanya.
Inilunsad noong Abril 4 ang “Bus ni ISKO” campaign caravan na naglalayong ikampanya ang kandidatura ni Mayor ISKO dahil naniniwala sila sa mga nagawa nito sa Maynila ay magagawa din sa buong bansa.
Si Mayor Isko ay nakilala bilang dating basurero, pedicab driver na naging artista bago pumasok sa politika.
Lulan ng BUS ni ISKO ang mga youth volunteers mula sa grupong Ama ni ISKO, ISKO Tayo sa Kabataan, PRIMO ISKO, at Alliance for ISKO movement AIM, ay mainit na tinanggap ng mga mga kabataan , kapwa nila youth volunteers, mga kandidato at local na opisyal tuwing sila ay mag stop over.
Ang mga ito ay nagnanais na makumbinsi ang mga kabataang kapwa nila sa lahat ng sulok ng naturang lugar sa pamamagitan ng BUS ni ISKO campaign caravan na iboto si Domagoso.
Sila rin ay nakatakdang magtungo sa Dipolog City, Zamboanga City at Pagadian City.
-
FACE SHIELD ORDINANCE ng QUEZON CITY na NAGPAPATAW ng MULTA at PAGKAKULONG – DAPAT MAAMYENDAHAN!
Noon pa man ay sumulat na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Quezon City Council para ma-amyendahan ang 0rdinance 2965 o ang Mandatory Wearing of Face Shield Ordinance na ipinasa noong August 24, 2020 at nilagdaan ng Mayor noong September 17 2020. Sa kung sino man ang lalabag, ang karampatang parusa na ipapataw, […]
-
Bulacan 911, maaari ng tawagan para sa anumang emergency
LUNGSOD NG MALOLOS– Operasyunal na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anumang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 kaninang umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito. Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na matapos ang matagal na paghihintay, mabilis […]
-
OP, top spender ng confidential, intelligence funds noong 2023- COA
TOP spender ang Office of the President (OP) pagdating sa confidential and intelligence funds nito noong 2023. Sa katunayan, gumastos ang OP ng P4.57 billion na confidential at intelligence expenses noong 2023, ayon sa Commission on Audit (COA) Annual Financial Report. Ang CIE expenses ng OP ay P4.57 billion noong nakaraang […]