Susunod na admin, dapat mag-invest sa digital infrastructure
- Published on May 13, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa susunod na bagong administrasyon na mag-invest sa digital infrastructure upang mas maging episyente ang automated voting system sa bansa at mabawasan ang pagkasira ng mga makina.
“Gamechanger talaga ang automated elections pero dapat we have the digital infrastructure needed to make it work,” ani Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na dapat maging bahagi ng 5-year post-pandemic recovery plan ang improvements ng fiber network, undersea communication cables at cell site density upang maging mas “future-proof” ang bansa.
Makakatulong aniya ito para mabawasan ang problema tuwing halalan
Dapat din aniyang ikunsidera ng comelec ang pagbili ng karagdagang vote counting machines.
“Dapat talaga kumuha yung Comelec ng mas maraming vote-counting machines, kasi ang bilis ng dating ng resulta pero during voting ang haba pa rin ng pila,” dagdag ng mambabatas.
Gayunman, sinabi ni Cayetano na sa kabila na mas mabilis ang pagbibilang ng boto ay kailangang sirguruhin sa publiko ang transparency at access sa sistema.
Nasa total na 67.5 milyong Pilipino ang nkarehistro ngayong 2022 national elections, tumaas ng 5M botante mula 61.8M registered voters noong 2019.
Sa 67.5M registered voters, nasa 37M ang nasa edad 18 hanggang 41 anyos, na bumubuo ng mayorya ng mga botante. (Daris Jose)
-
PBBM, pinangunahan ang kampanya kontra online sex-abuse, exploitation; lumikha ng tanggapan para sa Child Protection
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang kampanya laban sa lumalaganap na Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC). Binigyang diin ng Chief Executive ang epekto sa ‘puso at pundasyon’ ng bawat komunidad sa Pilipinas. Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na **Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang OSAEC Ngayon Summit […]
-
YASSI, kinatuwaan ni SHARON sa pinakitang gesture at respeto sa katulad niyang mas senior
WHILE browsing the Instagram account of Sharon Cuneta ay nakita namin ang video kung saan lumapit si Yassi Pressman sa Megastar at binati ito. Nangyari ito sa shoot ng ABS-CBN Christmas Special. Sobrang natuwa si Sharon sa gesture ni Yassi. “Hi Yassi. Hi, nice to meet beautiful girl. Nice that […]
-
‘The Prayer’ ni Marcelito Pomoy napiling ‘video of the year’ ng YouTube
Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy. Kinilala kasi ang kanyang performance bilang YouTube video of the year sa Pilipinas kaugnay ng kanyang bersiyon sa “The Prayer.” Nakapagtala ng panibagong record ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy. Kinilala kasi ang kanyang performance bilang YouTube video of the […]