Swab test ‘di aalisin – Red Cross
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
Kahit pa maaprubahan ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ay hindi pa rin aalisin ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab test dahil ito ang itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing.
Ito ang nilinaw ni Dr. Paulyn Rosell-Ubial, head ng Biomolecular Laboratories ng PRC, kaugnay ng isinasagawa nilang pilot testing ng COVID-19 saliva test.
Ayon kay Ubial, bagama’t ang saliva test ay katanggap-tanggap at ginagamit na sa maraming bansa, ay nananatili pa rin ang swab test na gold standard sa mga COVID tests kaya’t hindi nila ito maaaring tanggalin.
Mas malaki rin ang matitipid ng gobyerno at mga mamamayan kung saliva tests na ang gagamitin sa pagtukoy ng COVID-19 dahil may reagents na hindi na nila kailangang gamitin.
Mas madali rin lumabas ang resulta ng saliva test na aabutin lamang ng ilang oras, kumpara sa swab na inaabot ng ilang araw.
Sa ngayon aniya ay kabilang na rin sa pinag-uusapan kung makokober ba ng PhilHealth ang saliva test.
Kahapon sinimulan ng PRC ang pilot testing sa saliva test sa may 1,000 indibidwal.
Mismong si PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon ang naging guinea pig at unang sumalang sa saliva test, na tinatayang aabot lamang sa P2,000 ang halaga at maaaring mapababa pa. (GENE ADSUARA)
-
Palaban sa ‘Miss Universe 2024’ sa Mexico City: CHELSEA, nakahanap ng ‘big sister’ kay Miss U Peru TATI
NAKAHANAP ng matatawag na “Ate” niya si Miss Universe Philippines Chelsea Manalo sa mga kandidata ng Miss Universe 2024 sa Mexico City. Ang roommate ni Chelsea na si Miss Universe Peru Tati Calmell ang naging big sister niya habang uma-attend sila sa ilang activities ng pageant. “#PERUPPINES in the house. My lovely sister […]
-
Olympic torch relay tuloy na sa March 25
Susundin ng Tokyo Olympic organizers ang itinakdang petsa sa torch relay bilang hudyat ng pagsisimula na ng Olympic countdown. Gagawin ito sa Marso 25. Susundin ng Tokyo Olympic organizers ang itinakdang petsa sa torch relay bilang hudyat ng pagsisimula na ng Olympic countdown. Gagawin ito sa Marso 25 sa […]
-
Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows
OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks. Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions. Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” […]