• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Swab test ‘di aalisin – Red Cross

Kahit pa maaprubahan ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ay hindi pa rin aalisin ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab test dahil ito ang itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing.

 

Ito ang nilinaw ni Dr. Paulyn Rosell-Ubial, head ng Biomolecular Laboratories ng PRC, kaugnay ng isinasagawa nilang pilot testing ng COVID-19 saliva test.

 

Ayon kay Ubial, bagama’t ang saliva test ay katanggap-tanggap at ginagamit na sa maraming bansa, ay nananatili pa rin ang swab test na gold standard sa mga COVID tests kaya’t hindi nila ito maaaring tanggalin.

 

Mas malaki rin ang matitipid ng gobyerno at mga mamamayan kung saliva tests na ang gagamitin sa pagtukoy ng COVID-19 dahil may reagents na hindi na nila kailangang gamitin.

 

Mas madali rin lumabas ang resulta ng saliva test na aabutin lamang ng ilang oras, kumpara sa swab na inaabot ng ilang araw.

 

Sa ngayon aniya ay kabilang na rin sa pinag-uusapan kung makokober ba ng PhilHealth ang saliva test.

 

Kahapon sinimulan ng PRC ang pilot testing sa saliva test sa may 1,000 indibidwal.

 

Mismong si PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon ang naging guinea pig at unang sumalang sa saliva test, na tinatayang aabot lamang sa P2,000 ang halaga at maaaring mapababa pa.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • ALICE, ni-reveal na girl ang kanyang ‘miracle baby’ na si AURA

    LAST Saturday, May 8, hindi na nagkait si Kapuso actress Alice Dixson, na i-reveal na niya ang kasarian at pangalan ni “Baby A,” ang kanyang tinawag na ‘miracle baby,” nang mag-guest siya sa segment ng “Bawal Jugmental” sa Eat Bulaga.     Matagal na kasi niyang inilabas ang baby, pero hindi pa niya ipinakikita ang […]

  • Glaiza, ‘di itinatanggi na miss na miss na ang bf na si David

    HANGGANG ngayon, nasa Baler pa rin si Glaiza de Castro habang ang boyfriend na si David Rainey ay nakabalik na sa bansa nito.   Ibig sabihin, may ilang buwan na silang physically separated at through online na lang din ang komunikasyon.   Magkasama sila during enhanced community quarantine pa sa Baler. At hindi itinatanggi ni […]

  • Vaccination sa PNP hindi mandatory – PNP Chief

    Hindi mandatory at hindi sapilitan ang pagbabakuna sa Philippine National Police (PNP).   Ito ang paglilinaw ni PNP Chief Gen. Guillermo Elezar ngayong nagsimula na ang vaccination sa A4 category.     Sinabi ni PNP Chief kanilang uunahin ang mga pulis na nagpahayag ng kagustuhan na magpabakuna.     Pero batay sa kanilang survey nasa […]