SWS: 66% ng Pinoy gusto unahin ng gobyerno paglaban sa ‘inflation’
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
PAGSUGPO sa pagtaaas ng presyo ng bilihin ang “numero unong” pinoproblema ng 66% ng mga Pinoy, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia, Huwebes. Aniya, dapat itong bigyan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinakamabilis na aksyon.
“This [controlling inflation] is the prevailing view in all geographic areas and socio-economic classes (56% to 81% and 51% to 71%, respectively),” sabi ng Pulse Asia sa kanilang Ulat ng Bayan survey.
“[Meanwhile, almost] half of Filipino adults cite increasing workers’ pay as an urgent national concern (44%) while around a third of them are concerned about job creation and poverty reduction (35% and 34%, respectively).”
Kamakailan ay inanunsyo ng Philippine Statistics Authority na lumobo ang September inflation rate sa 6.9% — ang pinakamataas sa loob ng apat na taon.
Pang-lima lang naman ang paglaban sa korapsyon sa gobyerno, bagay na pinili ng nasa 22% ng mga Filipino adults.
Kriminalidad at kagutuman naman ang pinaka-concern ng 1/5 ng populasyon, habang nasa 1/10 lang naman ang pumili sa pagpapatupad ng rule of law.
Ang naturang survey ay ikinasa ng Pulse Asia Research mula ika-17 hanggang ika-21 ng Setyembre 2022 gamit ang harapang panayam.
Pagresponde ni Marcos Jr. sa kalamidad pinaka-pinuri
Nakakuha ang administrasyong Marcos na majority approval ratings sa 11 sa 13 isyung kinakaharap ng bansa, bagay na nakitaan daw ng taumbayan ng mabilis na aksyon.
Kabilang na riyan ang:
pagresponde sa nasalanta ng kalamidad (78%)
pagkontrol ng COVID-19 (78%)
pagtataguyod ng kapayapaan (69%)
pagprotekta sa overseas Filipino workers (68%)
paglaban sa kriminalidad (67%)
pagpapatupad sa rule of law (62%)
paglikha ng maraming trabaho (59%)
pagtaas ng sahod ng manggagawa (59%)
paglaban sa katiwalian (58%)
pagprotekta sa kalikasan (57%)
pagdepensa sa territorial integrity (52%)
Inaral ng naturang surbey ang nasa 1,2000 katao, edad 18-anyos pataas. Meron itong ± 2.8% error margin sa 95% confidence level habang narito ang subnational estimates para sa geographic areas na sumusunod sa 95%: ± 5.7% para sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
-
DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide
INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products. Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%. “It will be out (price guide) by the second week of November because not all […]
-
Mayor Tiangco sa mga mangingisda: Karagatan ng Navotas, panatilihing malinis
NANAWAGAN si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa lokal na mga mangingisda sa lungsod na panatilihing malinis ang karagatan ng Navotas kasunod ng pagkakapasa ng Pamahalaang Lungsod sa Assessment of Compliance para sa Manila Bay clean-up. “Ang pangingisda ang aming pangunahing mapagkukunan ng kita at bilang isang pamayanan ng pangingisda, dapat nating bigyan ng […]
-
Ads April 4, 2024