Sylvia, nagpasalamat at nangakong mamahalin na parang anak: ARJO at MAINE, nambulabog sa pasabog na engagement sa memorable na ‘July 28’
- Published on August 1, 2022
- by @peoplesbalita
NAMBULABOG sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza noong July 28, ang date na napaka-memorable sa kanilang dalawa.
“Wait, whaaaat??? Were engaged?!”, bulalas ni Maine sa kanyang IG post, kasama ang series of sweet photos nila ni Arjo, na kung saan pinagsisigawan ng kanyang daliri ang bonggang ‘engagement ring’ na binigay ng kanyang soon-to-be husband.
Post naman ni Arjo, “My turn, I will marry you cutie. ❤️ 07.28.22”
Mahalaga nga ang July 28 kina Arjo at Maine, sa tweet ni Maine, kasama ang IG post na ito ni Arjo, nilagyan niya ito ng caption na:
“july 28, 2013: “arjo cutie”
“july 28, 2018: first meeting
“july 28, 2022:
“i love you, @arjoatayde”
Na sinagot naman ng aktor ng, “I love you more ❤️”
Kaya naman nag-umapaw ang pagbati ng mga netizens at celebrity friends niya, na tuwang-tuwa talaga sa bagong kaganapan sa #ArMaine, na hanggang sa ngayo’y may tumututol pa rin.
“Heartfelt gratitude and appreciation to everyone 🫶🏻 Exciting times ahead!!!” comment naman ni Maine sa mga nag-congratulate sa kanila ni Arjo.”
Last Saturday naman sa 43rd anniversary ng “Eat Bulaga” na tinawag na ‘Dabarkads I Love You Day’, binati rin si Maine sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto at sey nga nito, “Usapang love. Ang ‘Daddy’s Gurl’ ko magle-level up na. Engaged na, Congratulations!’
Maging si Ms. Coney Reyes na nagbalik sa EB ay tuwang-tuwa dahil kilala raw niya si Arjo at alam din niyang magaling na aktor, kahit noong nagsisimula pa lang.
Ilang araw na ma-engage si Maine sa kanyang higit tatlong taon na boyfriend, inabangan naman ng mga netizens ang magiging post ng mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez.
Isa ngang nakaka-touch na message ang pinost ni Sylvia sa kanyang IG account, kasama ang photos nila ni Maine, na hinahawakan sa pisngi, hinahalikan sa noo at mahigpit na niyayakap.
“He asked Her and She said, YES!!!,” caption niya.
“Finally!! Welcome to the family, Maine ❤️ Thank you for loving my son.
Love you Nak 😘😘😘”
Dagdag ng premyadong aktres, “I promise that I will take care and love you as my own Daughter❤️ @arjoatayde @mainedcm #Armaine ❤️
Happy morning💃🕺💃”
Reply naman ni Maine, “Thank you so much po, tita. You have been so kind, understanding, and supportive from the beginning and for that I am thankful.
“Kay Tito Art, saks lang. Char lang po, love you boooth!”
Matatandaan na noong 2019 inamin ni Maine na nagdi-date sila ni Arjo and last December 2021 ay nag-celebrate sila ng kanilang third anniversary.
Nitong May lanh, ikinasal ang sister ni Maine at isa siya sa naging bridesmaids, at naging escort niya si Arjo. Samantala, ikinasal din last year ang brother niya at ngayong engaged na sila ni Arjo, siya naman ang susunod na ikakasal.
Kaya abangan na lang ang magiging announcement ng couple, kung sa 2023 na ba ito o sa susunod pang mga taon.
Congratulations, Maine and Arjo!
(ROHN ROMULO)
-
Ads October 17, 2024
-
Ads December 11, 2020
-
China Coast Guard responsible sa jamming signal
INAKUSAHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Chinese counterpart ng jamming sa signal ng tracking system ng mga barko ng Pilipinas ng ilang beses sa mga kinakailangang operasyon sa West Philippine Sea (WPS) na pinipigilan makapag-broadcast ang mga barko ng kanilang mga posisyon sa dagat. Sinabi ni PCG spokesperson for the West […]