• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SYLVIA, nagpasalamat kay Direk DARYLL sa malakas na boses tungkol sa ’Topakk’

SA unang araw ng 50th Metro Manila Film Festival, Christmas Day, nag-ikot ang cast ng ten entries sa iba’t-ibang sinehan sa Metro Manila.
Isa na rito ang hard action/drama movie na ’Topakk’ na pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde, Julia Montes at Sid Lucero, na pawang mahuhusay at pinapalakpakan sa kanilang matitinding action scenes.
Mula ito sa direksyon ni Richard Somes.
Apat na mall ang inikot nila, kasama ang actress/producer na si Sylvia Sanches ng Nathan Studios Inc. na punong abala sa promo ng movie.
Ang last stop nila ay sa Gateway Cinema 4, 6:30 pm screening na nag-sold out.  Nakita rin namin na halos sold out din ang 4 pm at 9 pm screening, kaya naman tuwang-tuwa ang cast, kahit nasa 38 cinemas lang ang ‘Topakk’ sa pinaghalong R-16 at R-18 ratings.
Hindi na nga sumama si Arjo sa Gateway, dahil may dinner sila ng asawang si Maine Mendoza.
“Si Cong. Arjo, dito lang sa Gateway hindi siya nakapunta, four theaters ang inikot namin, tatlo lang na-attend-an niya para magpasalamat sa mga nanood. Kasi magdi-dinner sila ni Maine.
“Pero ok lang yun, dapat talaga he spend time sa asawa niya at hindi pabayaan. Kaya ni-let go na namin siya.”
Reaction naman ni Ibyang tungkol sa hindi pantay-pantay ang nakuhang sinehan ng 10 entries…
“Hindi talaga siya equal, kasi meron daw 100 and 200 plus, kami from nasa number 9 with 33 cinemas and today naging 38 na.
“Sinabi naman ni Chairman Don Artes na kasama naman lahat sa raffle ng sinehan. Pero yun sa sinehan sa probinsya, hindi sila sumama, kasi gusto nila makuha ‘yun sa tingin nila ang kikitang pelikula.
“Pero para mag-dwell pa ako sa sama ng loob, sa lungkot, wag na.  I-push ko na lang ang movie namin, i-promote na lang mabuti dahil maganda at magagaling ang mga artista ko.  Naniniwala rin ako sa word of mouth, pag nagustuhan ng mga tao, dadami ang sinehan namin, lalo na after ng awards night.”
Samantala, natuwa naman si Sylvia sa all caps FB post ni Direk Darryl Yap tungkol sa ’Topakk’.
Ayon sa controversial na direktor, “IBA YUNG #TOPAKK
“Congrats Direk Richard Somes, Juan Carlos Campo Atayde! NAPAKAHALIMAW! KAPAL NG MUKHA NG MMFF BIGYAN KAYO NG KONTING CINEMAS!!!”
Comment pa nito, “38 cinemas?! Sinali nyo pa! Hahahaha.”
Nagpasalamat naman si Sylvia kay Direk Darryl dahil sa malakas na boses na sumisigaw sa husay at ganda ng ‘Topakk’.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Online shopping scams, maaari ng report sa pamamagitan ng eGov App -DICT

    MAAARI ng i-report ang online shopping scams sa pamamagitan ng eReport feature ng eGov Super App sa gitna ng holiday season.     Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary David Almirol na “The newest feature is e-commerce reporting for the Department of Trade and Industry’s consumer protection. The DTI Consumer Protection […]

  • VOTING AGE GAWING 16 YEARS OLD

    AYON sa batas maaari kang magparehistro bilang botante kapag 18 years old ka na – estudyante ka man o hindi, may trabaho man o wala.  Basta 18 years old.  Pero sa SK elections maaring bumoto at iboto ang 15 years old. Dati ang voting age ay 21 years old bago ito binaba ng 18 years […]

  • Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

    KINASTIGO ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.     Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa […]