• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sylvia, nangatog at nanumbalik ang trauma sa ‘Bagyong Ondoy’

NANUMBALIK ang trauma na naramdaman ni Sylvia Sanchez nang rumagasa ang napakalakas na bagyong Ulysses nitong November 11 sa buong Luzon kung saan maraming nawalan ng bahay ang mga kakabayan natin sa Bikol, Quezon, Montalban at Marikina City.

 

Kaya hindi napigilang mag- post ang premayadong aktres sa kanyang Facebook page noong Huwebes, November 12.

 

Sabi niya, “Akala ko wala na ang trauma ko sa Ondoy, na ok na ako sa nangyari sa amin noong 2009. Ngayon ko lang nalaman na di pa pala ako totally naka-get over sa nangyari sa amin noon.

 

“Mula paggising ko kaninang umaga hanggang ngayon, nangangatog pa din ang buong kalamnan ko sa lahat ng mga nakita’t narinig ko. Ang bigat sa dibdib.

 

“Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon na ‘yan at kung gaano kabilis rumagasa ang tubig. Naranasan namin yan. Nakakatakot!

 

“Ang tanging maitutulong ko lang ay ang ipagdasal kayong lahat at gumawa ng paraan na makatulong pag humupa na ang lahat ng ito.

 

“Panginoong JESUS, patnubayan nyo po kaming lahat. Kayo lang po higit sa lahat ang tanging makakatulong sa amin. LORD, your will be done po.”

 

Eleven years na pala ang nakalilipas nang mabiktima ng Bagyong Ondoy ang pamilya ni Sylvia na dating nakatira pa sa Riverside Village Ortigas, Pasig City.

 

Talagang na-trauma ang buong pamilya Atayde nang maganap ang nakakikilabot na kalamidad na nagpalubog sa marami ang lugar sa Metro Manila na kung saan anim na buwang buntis noon si Sylvia sa bunsong anak na si Xavi.

 

Dahil sa mabilis atbmatinding pagbaha, inabot ang bahay nila sa ikalawang palapag kaya agad na nagdesisyon ang mag-anak na lumikas na at nagkita-kita na lang ng mga anak na sina Arjo, Ria at Gela sa isang meeting place na kung saan magkakahiwalay silang ni-rescue ng rubber boat.

 

At sa bahay ng magulang ng asawang si Art Atayde sa isang subdivision sa Quezon City sila pansamantalang nanirahan.

 

Hanggang sa makahanap sila ng lupa sa White Plains at pinatayuan ng bahay na ilang taon na nilang masayang tinitirahan.

 

Samantala, muling makakasama si Sylvia ang anak na si Arjo Atayde para sa first new episode ng Maalaala Mo Kaya pagkaraan ng walong buwan.

 

Kasama rin sa two-part anniversary episode ng MMK sina Jane de Leon Sanchez, Hero Angeles, Aldrin Angeles at Rommel Padilla.

 

Sa Instagram post pinakita ang behind-the-scenes ng episode na may caption na, “Abangan ang muling pagbabalik ng mga bagong kwento ng pag-asa na makakasama ng bawat Pilipino sa pagbangon.”

 

Tatalakayin sa two-part special ang life story ng Bayaning Frontliner na si Dr. Israel Bactol na gagampanan ni Arjo, na namatay dahil sa COVID-19.

 

Mula sa anulat nina Arah Jell Badayos at Mary Rose Colindres, sa ilalim ng direksyon ni Dado C. Lumibao.

 

Abangan ngayong darating na Nov. 21 at Nov. 28 sa A2Z Channel 11, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, at iWant TFC. (ROHN ROMULO)

Other News
  • No. 1 most wanted ng Malabon, nalambat sa Bulacan

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Malabon City matapos matunton ng pulisya kanyang lungga sa Marilao, Bulacan.   Pinuri ni National Capital Region Police Office, Chief, P/ MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Warrant and Sub- poena Section at Intelligence Section ng Malabon Police Station sa ilalim […]

  • PBA players at staff naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19

    Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bakunahan laban sa COVID-19 ang mga malalaro at staff ng Philippine Basketball Association (PBA).     Isinagawa ang pagtuturok ng Sinovac vaccine sa MMDA vaccination facility sa lungsod ng Makati.     Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na labis na naapektuhan ang mga manggagawa at […]

  • Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM

    PATULOY na pinaplantsa  ng pamahalaan ang  problema sa industriya ng asukal.     Ito  ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental.     Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]