• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SYLVIA, napagod at muntik nang sumuko dahil sa mga taong nanakit at nanglait; nawala ang pangamba dahil sa ‘Diyos’

PINOST ni Sylvia Sanchez sa kanyang FB page ang red carpet event na magagangap ngayong hapon na hatid ng Star Magic.

 

 

Post niya, “It’s a red carpet day with your favorite Kapamilya stars this Friday at 3 PM.

 

 

“Witness this new notch on their careers as Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, and Donny Pangilinan, together with Mr. Pure Energy Gary V, remain certified Kapamilyas.

 

 

“Watch the whole live event on Star Magic’s Facebook, Youtube, and Kumu accounts.

 

 

“Also availble on the following Facebook accounts: ABS-CBN, iWant TFC and TFC

#KapamilyaStrong.”

 

 

Kaya mananatiling Kapamilya sina Arjo, Maymay, Edward, Francine, Donny at Gary sa muli nilang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

 

 

Asahan ang kani-kanilang projects sa taong ito.

 

 

***

 

 

     NAKAKA-TOUCH naman ang ibinahaging karanasan ni Sylvia Sanchez para sa upcoming inspirational drama series ng Dreamscape Entertainment, ang Huwag Kang Mangamba na malapit nang matunghayan sa ABS-CBN channels at A2Z Channel, gamit ang hashtag na #HindiKaNagiisa

 

 

Inamin ng premyadong aktres na may pinagdaanan siya na hindi ginusto pero kailangan dahil gustong mabuhay ang pamilya niya at mag-isa lang niyang hinarap ang mga dumating na problema.

 

 

Sabi pa ni Sylvia, “nakakapagod, kahit na gaano ka ka-strong na tao, pag puro negative, pag puro panlalait, magiging weak ka talaga. Susuko ka.”

 

 

Pero naramdaman niya na hindi pala siya nag-iisa.

 

 

Dahil sa Diyos yung lahat ng sama ng loob ko sa lahat ng taong nanakit sa akin, nawala lahat. Bigla nalang ako nagising na may Diyos pala,” madamdamin pang pahayag ni Sylvia na tiyak na manggugulat na naman sa kanyang role na gagampanan sa Huwag Kang Mangamba. (ROHN ROMULO)  

Other News
  • Phil. Football Federation hinihintay pa ang naturalization ng Spanish player na si Marañon

    Handang maghintay ang Philippine Football Federation (PPF) sa naturalization ng Spanish striker na si Bienvenido Marañon.     Kasunod ito sa pag-apruba na naturalization ng basketball player na si Ange Kouame.     Sinabi ni Nonong Araneta ang pangulo ng PPF, dahil sa COVID-19 pandemic ay nagkakaroon ng pagkaantala ng ilang mga dokumento ni Marañon. […]

  • Boston Celtics ambisyon din si Durant mula sa Brooklyn Nets?

    LUMUTANG ngayon ang impormasyon na kabilang ang Boston Celtics sa mga teams na nag-aambisyon umano na makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets.     Nasa isang buwan na ngayon na wala pa ring nakakasungkit kay Durant sa kabila ng hiling nito na malipat ng ibang team.   […]

  • MAHIGIT 100 POLICE TRAINEE, IDIDEPLOY NG MPD

    MAHIGIT na  100  na police trainee ang idineploy ngayon sa Manila Police District (MPD)  bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay.     Ayon sa MPD, umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod.   […]