Taas pasahe sa PUJ tiyak na bago matapos ang taon
- Published on September 15, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB) na tataas ang pamasahe sa mga public utility jeepneys (PUJs) bago matapos ang taon.
Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo na naitala sa ika-10 linggo na tinawag ng LTFRB na hindi pangkaraniwan.
Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na aaprobahan ng board ang fare hike na hinihingi ng mga drivers at operators ng PUJs.
“We know the necessity of fare increase. However, we are balancing the needs of the whole country. If we increase the fare, it will have a tremendous effect in our economy because all the prices of basic commodities will be affected. We will consider the fare hike. However, give us a little time to determine how much and when will be the appropriate time impose the fare hike,” wika ni Guadiz.
Magkakaron ng hearing ang mga LTFRB board members sa darating na September 26 upang dinggin ang appeal para sa pagtataas ng pamasahe.
Ayon kay Guadiz ang isang grupo ng transportasyon ay humihingi ng provisional na P1 fare hike habang ang ibang grupo ay humihing naman ng P2 or more para sa base fare. Sa ngayon ang minimum na pasahe ay P12.
“We have yet to determine the appropriate rate increase for jeepneys and the timing for the implementation. We must also balance the possible impact of fare hikes on the operators, drivers, ang passengers,” saad ni Guadiz.
Nilinaw ni Guadia na ang P3 billion fuel subsidy na ipamamahagi ay hindi makakaapekto sa kanilang gagawing desisyon sa appeals ng fare hike.
Samantala, na download na ng LTFRB ang P3 billion fuel subsidy para sa mga public utility vehicles sa bansa. Nilinaw din niya na ang pamamahagi ng fuel subsidy ay nangangailan pa ng mahabang oras para ang ibang PUV operators ay makakuha nito dahil na rin sa dami ng mga beneficiaries na kulang-kulang na 1.36 million at hindi pa kasama ang trucks-for-hire.
Ayon sa kanya kung hindi pa nakatangap ay dahil yon iba siguro ay sumasailalim pa sa proseso sapagkat hindi kaya ng Land Bank na sabay-sabay ang pag proseso. Siniguro naman ni Guadiz na mayron ng talagang nakalaan pondo para sa nasabing programa.
Tatanggap na pinakamataas na fuel subsidy ang drivers ng modernized public utility jeepney at modernized utility vehicle express na nagkakahalaga ng P10,000 kada unit.
Habang ang mga drivers ng traditional public utility jeepneys at utility vehicle express kasama rin ang public utility buses, mini-buses, taxis, shuttle service, taxis, transport network vehicle services, tourist at school transport services at filcabs ng P6,500 bawat isa.
Ang drivers ng mga delivery services ay tatangap ng P1,200 habang ang tricycle drivers ay makatatangap ng P1,000
Ayon kay LTFRB technical division chief Joel Bolano na magkakaiba ang halaga ng fuel subsidy dahil depende ito sa consumption ng gasoline at diesel na ginagamit sa bawat klase ng sasakyan.
Kung tuloy-tuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng produktong krudo sa pandaigdigang merkado sa loob ng susunod na tatlong buwan ay maaari muli silang mag request na karagdagan pondo para sa fuel subsidies ng mga PUVs. LASACMAR
-
Sa halip na magpasa ng mga batas na makatutulong: Sen. ROBIN, nais ipa-ban ang K-dramas at pabor din si Sen. JINGGOY
HINDI kami pabor sa sinasabi nina Senator Robin Padilla at Senator Jinggoy Estrada na dapat i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas. Sabi ni Sen. Jinggoy, kung minsan daw ay naiisip niyang solution sa pag-angat ng TV shows ay ang pag-ban ng K-dramas. Pero ito raw ay obserbasyon lamang niya. Pareho sila […]
-
Pinoy MMA fighter Geje Eustaquio, wagi laban kay Song Ming
Nagwagi si dating ONE flyweight champion Geje Eustaquio laban kay Song Ming ng Korea sa ONE: Inside Matrix III na ginanap sa Singapore. Mula sa unang round pa lamang ay naging agresibo na si Eustaquio. Pinaulanan ng suntok at sipa ang Korean fighter. Kung nagtagumpay si Eustaquio ay naging kabaligtaran naman ang […]
-
Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero
MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero. May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! […]