• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taas-sahod pinamamadali

DAPAT madaliin ng pamahalaan ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa sa gitna ng sumisirit na presyo ng gasolina, pagkain at pang araw-araw na pangangailangan, ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada.

 

 

Bagama’t inutos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga regional wage boards na agad pag-aralan ang panukalang angat-sahod, sinabi ni Estrada na masyadong matagal kung katapusan pa ng Abril mailalabas ang resulta ng kanilang pag-aaral.

 

 

“Bago pa magkaroon ng pandemya, kulang na ang minimum wage na inuuwi ng manggagawang Pinoy. Mas lumala ang kanilang kalagayan sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng ng pag-atake ng Russia sa Ukraine,” diin ng beteranong mambabatas.

 

 

Aniya, higit na kaawa-awa ang kalagayan ng mga tsuper na ngayo’y nagdurusa dahil hindi nila maitaas ang pasahe sa kabila ng walang tigil na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo. “Madalas ay wala halos silang kinikita,” paliwanag niya.

 

 

Sakaling palarin muling makabalik sa Senado, sinabi ni Estrada na kanyang isusulong ang matagal nang panukala na gawing swelduhan ang mga tsuper sa halip na magbayad ng boundary sa kanilang operators. “Sa ganitong panahon ng krisis, bayad ang boundary ng operator samantalang walang naiuuwing kita ang pobreng tsuper,” aniya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Kapuso, nase-sepanx na sa pagtatapos ng serye: Puring-puri sa heartwarming story at chemistry nina MARIAN at GABBY

    NASE-SEPANX na ang mga Kapuso dahil sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA primetime series na ‘My Guardian Alien.’         Puring-puri ng avid viewers ang heartwarming na kuwento ng serye pati ang undeniable chemistry nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang Grace at bankable leading man Gabby Concepcion bilang Carlos.     […]

  • PBBM bumiyaheng Dubai, dumalo sa COP28

    NAGTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  Dubai kahapon Huwebes para lumahok sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) na gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2.     Matatandaang inimbitahan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Al-Zaabi si Marcos na […]

  • P88.56 billion dividends na ni-remit ng GOCC, makatutulong sa buhay ng mga Filipino-PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatutulong ng malaki ang ni-remit na P88.56 billion dividends ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) para mapabuti ang buhay ng mga Filipino.     Nito lamang kasing May 3, nag-remit ang GOCCs ng nasabing halaga sa kaban ng bayan.     Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang […]