Taas-singil sa tubig, aprub ng MWSS
- Published on November 19, 2022
- by @peoplesbalita
SIMULA sa 2023 asahan na ang dagdag bayarin sa kinokonsumong tubig makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang rate increase na hiniling ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.
Ayon kay MWSS-Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, inaprubahan ng ahensiya ang rate rebasing adjustments ng dalawang kumpanya na ipatutupad mula 2023 hanggang 2027. Ang rate adjustments anya ay ginawa makaraan ang serye ng public consultation hinggil dito mula Hulyo hanggang Oktubre ngayong taon.
Ang rate rebasing ay proseso na isinasagawa tuwing ikalimang taon para suriin ang antas ng singil sa water at sewerage services na kailangang mabawi ng water concessionaires kaugnay sa kanilang gastusin sa operasyon at pagpapahusay sa serbisyo.
Una nang hiniling ng Manila Water ang P8.04 per cubic meter ng tubig simula 2023, P5 per cubic meter sa 2024, P3.25 per cubic meter sa 2025, P1.91 hanggang P3.00 per cubic meter sa 2026, at sa pagitan ng P1.05 at P1.08 per cubic meter sa 2027.
Nakalaan umano ang gagawing rate adjustment ng Manila Water para mapondohan ang P180-bilyong operational requirements nila sa susunod na limang taon.
Hiniling naman ng Maynilad ang P3.29 per cubic meter na water rate adjustment simula sa Enero 2023, P6.26 increase sa 2024, P2.12 sa 2025, at P0.84 hanggang higit P1 mula 2026 hanggang 2027.
Ilalaan naman ng Maynilad ang rate adjustment para sa P150-billion expansion plan na ipatutupad sa loob ng susunod na limang taon.
Sinabi ni Ty na ang hakbang ay upang mabigyan ng mataas na kalidad na tubig ang mamamayan, maayos na sanitasyon at sewerage services. (Daris Jose)
-
Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award
SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year. Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, […]
-
‘Resident Evil’ 2021 Movie Poster Teases The Origins Of The T Virus And Zombie Outbreak
THE Resident Evil: Welcome To Raccoon City poster teases the origins of the T Virus and zombie outbreak in the titular American city. The 2021 film is inspired by Capcom’s iconic survival-horror video game franchise. It is unconnected to the first Resident Evil film series that was directed by Paul W.S. Anderson, with Johannes Roberts taking on directorial duties. […]
-
Balitang pabalik na ng ‘Pinas si Tom: CARLA, lumipat na ng management para walang conflict
NGAYONG August 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa show business, na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda. Bukod sa kanyang anibersaryo ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kanyang ika-57 kaarawan sa darating na Septyembre 25 na […]