• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taas-singil sa tubig, aprub ng MWSS

SIMULA sa 2023 asahan na ang dagdag bayarin sa kinokonsumong tubig makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang rate increase na hiniling ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.

 

 

Ayon kay MWSS-Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, inaprubahan ng ahensiya ang rate rebasing adjustments ng dalawang kumpanya na ipatutupad mula 2023 hanggang 2027. Ang rate adjustments anya ay ginawa makaraan ang serye ng public consultation hinggil dito mula Hulyo hanggang Oktubre ngayong taon.

 

 

Ang rate rebasing ay proseso na isinasagawa tuwing ikalimang taon para suriin ang antas ng singil sa water at sewerage services na kailangang mabawi ng water concessionaires kaugnay sa kanilang gastusin sa operasyon at pagpapahusay sa serbisyo.

 

 

Una nang hiniling ng Manila Water ang P8.04 per cubic meter ng tubig simula 2023, P5 per cubic meter sa 2024, P3.25 per cubic meter sa 2025, P1.91 hanggang P3.00 per cubic meter sa 2026, at sa pagitan ng P1.05 at P1.08 per cubic meter sa 2027.

 

 

Nakalaan umano ang gagawing rate adjustment ng Manila Water para mapondohan ang P180-bilyong operational requirements nila sa susunod na limang taon.

 

 

Hiniling naman ng Maynilad ang P3.29 per cubic meter na water rate adjustment simula sa ­Enero 2023, P6.26 increase sa 2024, P2.12 sa 2025, at P0.84 hanggang higit P1 mula 2026 hanggang 2027.

 

 

Ilalaan naman ng Maynilad ang rate adjustment para sa P150-billion expansion plan na ipatutupad sa loob ng susunod na limang taon.

 

 

Sinabi ni Ty na ang hakbang ay upang mabigyan ng mataas na kalidad na tubig ang mamamayan, maayos na sanita­syon at sewerage services. (Daris Jose)

Other News
  • Pres. Duterte inaprubahan pagbubukas ng klase sa Sept. 13 – DepEd

    Itinakda sa Setyembre 13, 2021 ang pagsisimula ng School Year 2021-2022.     Ayon sa Department of Education (DepEd) mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pumili sa nasabing petsa.     Nakatakdang maglabas sa susunod na mga araw ang DepEd ang mga school calendar para sa 2021-2022.     Nauna rito nagsumite ng ilang […]

  • Psalm 66:20

    Blessed be God who did not withhold his love from me.

  • Hanga sa co-actor at gustong makasama uli: JAKE, tinapatan ang tapang nina Direk JOEL at SEAN sa ‘My Father, Myself’

    NAKALAYA na sa kulungan ang actor/TV host na si Vhong Navarro!     Martes ng gabi, December 6, 2022, naglabas ang Taguig Regional Court Branch 69 ng order of release kay Vhong     Sa release order na pirmado ni Judge Loralie Cruz Datahan, nakasaad ditong nakapaglagak na ng isang milyon pisong (P1M) piyansa si […]