• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taga-NCR, malaya na sa mga restriksyon sakaling maipatupad na ang Alert level 1 o ang new normal

MALAYA na ang National Capital Region (NCR) mula restriksyon sakali’t ilagay ito sa ilalim ng Alert level 1.

 

 

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay kasunod ng posibleng paglalagay na sa mas mababang alerto ang Kalakhang Maynila subalit depende sa kalalabasan ng datus na nakatakdang pag aralan ng IATF.

 

 

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na kapag naisailalim na sa alert level 1 ang isang lugar, dito na iiral ang tinatawag na new normal na halos lahat ay maari ng gawin tulad ng indoor at outdoor capacity sa mga gatherings at establisyemento habang papayagan narin ang intrazonal at interzonal movement ng lahat, kasama na ang mga bata at may mga comorbidities.

 

 

Ngunit, mananatili lamang aniya ang patuloy na pagtalima sa mga health protocols.

 

 

Bago sumapit ang Feb. 16, 2022, nakatakdang talakayin ng IATF ang posibleng paglalagay sa NCR sa Alert level 1. (Daris Jose)

Other News
  • LRT 1 Cavite Extension 94 % kumpleto

    INAASAHAN ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng LRT 1, na matatapos ang LRT 1 Cavite Extension sa 2024 at magiging operasyonal sa huling quarter ng 2024.       Sa ngayon, ang konstruksyon ng 6.7- kilometer Phase 1 ay 94.1 porsiento ng tapos parehas sa civil at system works.     […]

  • Ads May 17, 2021

  • ‘Wala pa ring malinaw na plano ang pamahalaan vs COVID-19; puro lang quarantine’ – HPAAC

    Dismayado ang grupo ng medical experts matapos muling luwagan ng pamahalaan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.     “HPAAC is alarmed that critical bottlenecks to long-term solutions have not been addressed, and necessary changes to systems and processes have […]