Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension ng liga at maging ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) dahil sa team bubble training sa Casuy, Sorosogon sa gitna ng lockdown sanhi ng Covid-19.
Nawasak na ring tuluyan ang Espana-based squad matapos lumundag sina Mark Nonoy at Deo Cuajao patungong De La Salle University Green Archers na kaliga ng mga tigre.
Unang mga umeskapo si Crispin John Cansino patungong University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP di, habang sina Ira Bataller, Brent Paraiso at Rhenz Abando nagpunta sa Colegio de San Juan de Letran ng NCAA.
Ninong ng USTe ang Ironcon Builders sa 2019-20 UAAP Season 82 at sa 9th PBA D-League 2019. (REC)
-
Le Col Challenge
-
Davao Archbishop Romulo Valles, muling itinalaga ni Pope Francis bilang miyembro ng Vatican office
MULING itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) ng Vatican. Dahil dito ay nakatakdang magpatuloy pa rin ang arsobispo sa kanyang pagsisilbi sa loob ng limang taon. Sa inilabas na statement ng Catholic Bishops’ Conference […]
-
Agri party list Rep. Wilbert Lee, unang naghain ng COC sa pagka-Senador
UNANG kandidato na naghain ng Certificate of Candidacy para sa pagka-senador si Agri party list Rep. Wilbert Lee ngayong Oct. 1. Tatakbo siya sa ilalim ng Aksyon Demokratiko at pagtutuunan ang pansin sa kanyang kampanya ang abot kayang pagkain, job security at quality, accessible at compassionate healthcare para sa lahat. Pagkatapos […]